Isang Modelo sa Russia ang sobrang kamukha ni Catriona Gray



Dahil sa pagka-panalo ni Catriona Gray sa Miss Universe 2018, marami pa rin sa atin ang sumusubaybay sa kanyang mga ginagawa lalong-lalo na sa social media. Mapapansin din ang paglitaw ng mga TV Commercials niya at masasabing isa talaga siyang magandang dilag.


Naging sikat din ang kanyang “Lava Walk” na nakita natin sa kanyang pag-rampa sa Miss Universe. Marami ang nabilib sa husay niya sa talentong ito na makikita rin sa ibang mga TV Commercials.




Tunay na maganda ang itsura ni Catriona Gray at siguradong marami ang nabibighani sa angkin niyang itsura. Ang kanyang kagandahan ay nagmula narin sa pagiging half-pinay at half-australian niya. Hindi siguro imposeble na baka maging artista na rin siya.


Kaya madalas siyang mapag-usapan ngayon sa social media dahil dumami na ang taga-hanga niya. Karaniwan ay sinusubaybayan ang mga bagong litrato niya sa kanyang social media accounts. Pero hindi lubos akalain na may ka ‘look-a-like’ pala siya sa ibang bansa. Kamakailan lamang ay may mga litrato ng isang magandang modelo sa Russia na makikita sa online. Aakalain mong si Catriona Gray ito sa unang tingin pero hindi siya iyon. Aakalain mo ring kambal niya kasi talagang hawig na hawig ang dalawang ito na parehas maganda.


Ang nasasabing kamukha ni Catriona Gray ay si Maria Domark. Si Maria Domark ay isang Israeli na ipinanganak noong ika-25 ng Disyembre taong 1995. Ang Russian Model na ito ay may edad na 23. Mapapansin lamang na ‘blonde’ ang kanyang buhok pero kung parehas ng kulay sila ni Catriona ay baka maguluhan ka kung sino ang naging Miss Universe sa kanilang dalawa.




Ang mga litratong kumakalat sa online ngayon ay makikitang pagka-hawig nilang dalawa. Sa mga litrato ay minimal lamang ang make-up ni Maria Domark.



May mga litrato rin na mga malalapit ang magpapakita ng ‘resemblance’ nilang dalawa. Parang makikitang ‘pinag-biyak na buko’. Mula sa mata, ilong, at labi, masasabing magkamukha talaga silang dalawa. Pati ang paraan ng pag-ngiti ay talagang magka-halintulad ang dalawa.




error: Content is protected !!