Isang sinehan sa Switzerland double bed and gamit sa halip na mga upuan!

Isa sa mga kinagigiliwan ng maraming mga Pilipino ngayon ay ang panunuod ng sine. Marahil ito ay isang normal na libangan lamang para sa ilan sa atin ngunit ito ay isa ring paraan ng pagrerelaks o di kaya naman ay pagbabonding kasama ang mga minamahal at iba pang mahal sa buhay.


Marahil ay kadalasan na tayong nakakapanuod ng magagandang pelikula sa sinehan na kadalasang napakalamig, madilim at maraming upuan. Ngunit kamakailan lamang ay labis na nakapukaw ng atensyon ng marami ang isang sinehan na ito na double bed ang gamit sa halip na mga upuan na mayroong sandalan. Talaga nga namang “cozy home-like movie experience” ang iyong mararanasan dito. Nito lamang ika-9 ng Mayo ng buksan ng Pathe Schweiz na isang cinema chain sa Switzerland ang “Cinema Pathe”.


Mayroon itong “VIP Room” na mayroong 11 na double bed at mayroon pang kasamang mga unan at kumot. At mayroon din silang ibinibigay na “warm slippers” para sa mga manunuod. Ang bawat kama ay mayroon ding mga bedside table at mga electronically adjustable headrest.


Hindi rin dapat mabahala ang mga manunuod dahil bago pa man magsimula ang palabas ay pinapalitan na ng bago ang mga unan at kumot dito. Ayon na rin sa CEO ng Pathé Switzerland na ang hygiene ay napakaimportante sa kanila. Ang halaga ng ticket sa VIP Room nila ay nagkakahalaga ng 49 francs, o $48.60 o halos P2,550.


Bukod pa rito ay mayroon din silang VIP Lounge para sa mga ayaw humiga habang nanunuod na nagkakahalaga ng 19.50 francs. Mayroon ditong two-seater o single sofa. At mayroon din naman sila para sa mga bata kung saan mga bean bags naman ang upuan. Mayroon ding padulasan o slide dito, at ball pit na maaaring paglaruan ng mga bata habang sila ay nanunuod sa sinehan. Talaga namang marami ang mahuhumaling na manuod ng sine kung ganito rin kagaganda ang sinehan sa ating bansa.



Reply

error: Content is protected !!