Ito ang 7 ‘Underwater Cities’ na makikita sa iba’t-ibang lugar sa mundo

Noong tayo ay bata, madalas tayong maka-rinig ng kwento patungkol sa mga sirena at shokoy. Minsan ay napapaisip tayo kung mayroon ba talagang mga naninirahang katulad nila sa ilalim ng dagat. May mga narinig din tayong mga kwento patungkol sa isang siyudad na lumubog sa dagat. Ang siyudad na lumubog ay ang sinasabing ‘Atlantis’. Madalas na ring nauugnay ang kwentong ito sa mga palabas katulad na lamang ng pelikulang “Aquaman”. Pero kung iisipin nga naman, nakaka-mangha kung tunay ang mga kwentong ito. Pero alam niyo bang mayroon talagang mga natagpuang mga siyudad sa ilalim ng dagat o kung tawagin ay ‘Underwater Cities’?

Alamin natin ang ilan sa mga kilalang natagpuang ‘Underwater Cities’ na makikita sa ibat-ibang lugar sa buong mundo.

Parco Sommerso Di Baia Area Marine Protetta


Mapupuntahan ang ‘Underwater City’ na ito sa Baia Italy. Isa itong parke na protected area ng Baia Marina. Ginawang pasyalan ang lugar na ito upang maging panghatak ng mga turista.

Nakaka-mangha ang underwater experience na mararanasan kung ikaw ay makaka-pasyal sa lugar na ito. Maraming pwedeng gawin sa lugar katulad ng pagsakay sa mga rubberboat at mag-dive kasama ang propesyonal na scuba divers. Kung ayaw mo namang mag-dive, mayroon silang glass-bottomed boat na pwede kang sumakay upang makita ang kagandahan ng underwater city.

Pavlopetri


Isa ito sa pinaka-matandang ‘underwater city’. Natagpuan at nadiskubrr ang lugar na ito noong 5000 na taon na ang nakakalipas. Ito ay matatagpuan sa Laconia sa Peloponnese, Greece. Ilan din sa mga paniniwala na dito nagmula ang paggamit ng mga textiles dahil yari sa textiles ang mga gamit na natagpuan dito. Natagpuan ding may 15 na gusali ang makikita sa lumubog sa dagat na lugar na ito.

Antirhodos


Ang lugar na ito ay matatagpuan sa Egypt na malapit sa Alexandria Harbour. May paniniwala na ang siyudad na ito ay puma-ilalim dahil sa naganap na malakas na lindol noong 4th century. Taong 1996 naman nadiskubre ang lugar na ito. Makikita sa lugar na isa itong palasyo na gawa sa marmol ang mga sahig. Pinaniwalaan ding ginawa ito noong 3rd century na ang may ari ay si Cleopatra. Makikita din sa lugar na ito ang palasyo ng “The Timonium” na si Mark Anthony.

Yonaguni Monumen


Isa sa mga madadalas puntahan ng mga propesyonal na scuba divers ang lugar na ito. Marami ang nagsabi na ang makikitang malaking monumento na makikita sa Japan ay gawa ng mga tao at ang iba naman ay nabuo nalang ng sa ilalim ng dagat.

Isa rin itong pinaka-matandang estraktura na ginawa bukod sa pyramid ng egypt. Sinasabing halos 10,000 taon na rin ang nakalipas ng magawa ang mga makikita dito. Natagpuan ang lugar na ito noong 1986.

Atlit-Yam


Isa ding napaka-gandang ‘diving spot’ ang lugar na ito dahil sa mga magagandang tanawing makikita sa lugar na ito. Ang ‘Underwater City’ ay sinasabing nagawa noong 6,900 o 6,300 BC. Sa pagsisid sa ilalim ay makaka-kita ka ng mga rebulto, gusali, at mga libingan na may makikita pang mga labi ng mga tao katulad ng kalansay at bungo.

Lion City


Taong 1959 naman natagpuan ang lugar na ito ngunit nakaligtaan na ng mga tao. Ang underwater city na ito ay makikita sa lawa ng Qiandao sa bansang China. Taong 2011 ay muling nakita ang underwater city na ito na may lalim na 130 feet. Ang lugar ay may makikitang mga hagdan na yari sa kahoy at mga gusali na yari sa bricks.

Dwarka


Sinasabi nilang ang ‘underwater city’ na ito ay nagawa noong 9,000 o 12,000 na taon ang lumipas. Matatagpuan ang lugar na ito sa bansang India sa dagat na mau lalim na 70 feet. Sabi ng mga naka-diskubre ng lugar, ang Dwarka ay mayroong mga gusali, kalye, mga pader na gawa sa bato, at mayroon sing pantalan.



Reply

error: Content is protected !!