Categories: Viral

Kinaaliwan ng marami ang dyip na ito na naka-tiles pa ang sahig!

Tayong mga Pilipino ay sanay na sanay nang sumakay at makakita ng mga tricycle, pedicab, bus, at maging ng mga dyip. Ngunit kamakailan lamang ay ikinagulat ng marami ang dyip na ito na naka-tiles pa ang sahig! Nakakagulat hindi ba? Kung karamihan sa atin ay sanay nang sumakay sa dyip, tila iba yata ang dyip na ito na ayon sa ilang source ay matatagpuan sa Cavite.


Sa unang tingin nga ay tila mga tiles ito sa sahig ngunit marami ang nagsasabing ang mga ito ay “vinyl” o yaong malaki ang pagkakahalintulad sa mga tiles ngunit maituturing din namang “linoleum” ng iilan. Narito ang mga kakatuwang komento ng mga netizen sa nasabing dyip:

“Ang sosyal namang sumakay sa jeep na ito! Magkano naman kaya ang pamasahe? Same din ba sa sahig na steel? Sosyal!”

“Sana pati yung upuan, pa–sofa na rin para feel at home.”

“Feel at home. Hahaha. Baka may mag–iwan ng sapatos sa labas ng jeep.”

“Nakakakaba naman iyan pag tag-ulan, sana non-skid yung tiles, pero ang sosyal pa rin tingnan.”

“Cool tingnan. Parang nakakagood vibes kapag fito sumakay sa jeep na ito. Nakakahiyang marumi ang sapatos. Saan ba ito bumibyahe at masubukan?”

Ngunit sa kabilang banda ay marami din namang nabahala at nangamba sa maaaring maging epekto nito sa ilang pasahero lalo na at nalalapit na ang tag-ulan. Narito ang kanilang mga naging komento:

“Slippery, extra weight, what non–sense. I can’t understand why the jeepney doesn’t try to be as lightweight as possible. If it were lighter it would be faster, more horse power and save fuel.”

“Way to cause an accident kapag tag–ulan. Moving vehicle + wet floor + slippery tiles = neck breaker. Hindi ito ligtas sakyan.”

“Having tiles in the first place would be bad because of weight. More weight, more power to travel the same speed, therefore more gas consumed.”


“I don’t understand why they didn’t just go with diamond plated metal. Pretty much zero maintenance, as long as one makes sure it doesn’t rust from underneath.”

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago