Labis na ikinatuwa ng marami ang video ng bata na ito na nais kumuha ng pagkain!

Ang mga bata ay talaga namang napaka-cute at nakakatuwa kahit pa nga sabihin minsan ay makukulit at mga malilikot sila. Kadalasang ang mga malilit na bata na ito ay nasa estado pa ng kanilang paglaki kung saan ang lahat ng kanilang nakikita ay ginagaya nila at maging ang mga naririnig nila na mga salita sa ibang tao ay ginagaya rin nila. Mapalad na nga ang mga magulang ngayon dahil sa mayroon nang mga cellphone na maaaring gamitin upang mairecord ang mga milestone ng kanilang mga anak at mahal sa buhay.

Tulad na lamang ng isang ina na ito na nagbahagi ng post patungkol sa kaniyang anak na tila gustong gusto nang makihati at kumain ng pagkaing kinakain ng mga matatanda. Ang ina ng bata sa video na si Priscilla Leith ay nagbahagi ng video na ito na talaga namang kinaaliwan ng maraming mga netizen. May caption pa nga ang nasabing video na nagsasabing “I want spaghetti” kasama ang video ng maliit na bata na tila sabik na sabik sa kinakain ng kaniyang katabing lalaki habang ang bata ay sinusuportahan sa pagtayo nito.

Talaga namang matutuwa ka sa reaksyon ng mukha ng bata na nilalabas pa ang kaniyang dila sa tuwing matatanaw niya ang pagkain ng kaniyang katabi. Mayroon na ring YouTube account ang baby na si Eeanprill na sa ngayon ay mayroon lamang apat na video kasama ang orihinal na “I want spaghetti” video. Ang nasabing video ay mayroon nag higit sa 79,000 na reaction, at naishare na ng 100,000 beses at na-view na ng 6,800,000 na beses.

Talaga namang matatanggal ang iyong lungkot, pagod, at pagkabagot kung mapapanuod mo ang cute na cute na batang ito. Aakalain mong maliit pa lamang siya at tila wala pang alam sa mga nangyayari sa kaniyang paligid ngunit tila gustong-gusto na niya talagang kumain at makadiskubre pa ng mga bagay sa mura niyang edad.



Reply

error: Content is protected !!