Marami ang nagulat at nagtaka sa sabay na pagdating nina Vice Ganda at di umano’y nobyo nitong si Ion Perez sa Amerika!

Hindi na bago sa industriya ng show business ang mga usap-usapan hindi lamang sa usaping trabaho, pamilya ngunit maging sa personal ding buhay ng mga kilala nating personalidad. Bagamat marami ang mga taong sumusuporta at nagmamahal sa mga iniidolo nating mga artista ay hindi pa rin talaga mawawala ang mga mapanghusgang mata ng publiko.


Isa na marahil dito ang usap-usapan patungkol sa tunay na estado ng buhay pag-ibig ng komedyante at host na si Vice Ganda. Kamakailan nga lamang ay namataan siya at ang di umano’y nobyo niya na si Kuya Escort Ion Perez na kasama nitong lumapag sa isang paliparan sa Amerika.


Ayon sa isang post ni miss “Ultimate” Anna Puno sa kaniyang social media account kasama ang sikat na komedyante at si Ion Perez ay nasasabik na siyang mapanuod ng marami si Vice Ganda sa Los Angeles sa Chumash Casino noong ika-3 ng Mayo at Pechanga Casino naman noong ika-5 ng Mayo. Ang tatlo ay nakuhan ng larawan sa Lax International Airport at ang kanilang larawan ay umani na ng maraming mga komento at reaksyon.


Bagamat walang anumang kumpirmasyon sa magkabilang panig patungkol sa tunay na relasyon ng dalawa ay masayang masaya pa rin ang kanilang mga tagahanga at tagasuporta sa kung anumang mayroon sila ngayon. Nasasabik na rin ang marami na kahit papaano sa paglipas ng mga araw ay magsalita na ang dalawa patungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon. Tiyak naman na ikatutuwa rin ng kanilang mga tagasuporta ang kanilang magiging pag-amin.


Tunay ngang anuman ang kanilang tunay na relasyon ay marapat lamang na igalang natin ito at irespeto. Wala naman ding masama na hayaan natin ang bawat isa na maging masaya at maligaya sa kung anumang bagay o kung sinomang tao ang nakakapagpatawa sa kanila o nakapagpapasaya ng kanilang puso. Hanggang wala naman silang inaalispusta o inaapakan na tao ay tiyak naman na walang masama sa kanilang tunay na nararamdaman.



Reply

error: Content is protected !!