Pasasalamat ni Gretchen Barretto kay Tonyboy Cojuangco dahil marami na siyang oras para sa kanyang pamilya



Para saan ba at tayo ay nagtatrabaho? Hindi ba’t para may pang-gastos, pangkain, at pambili ng mga kinakailangan? Kaya minsan ay napipilitan ang parehas na mag-asawa na mag-trabaho para mas malaki ang kitain. Pero ang naka-gawian ay nanay ang nananatili sa bahay upang matutukan ng pagaalaga ang pamilya.



Katulad na lang din ng mga artista. May mga artistang mga ina na nagsasakripisyo upang mabigyan ng magandang buhay ang kanilang mga anak. Hindi mawawala sa isip nila ang kagustuhang sila mismo ang tumutok sa pangangailangan ng mga anak.


Sa naka-lipas na Mother’s Day, isang artistang ina ang nagbahagi ng kanyang pasasalamat sa kanyang kapareha. Ipinakita ni Gretchen Barreto ang ilan sa mga litrato ng pagdiwang niya ng Mother’s Day.

 

View this post on Instagram

 

?swipe left ◀️

A post shared by Gretchen Barretto (@gretchenbarretto) on


Ipinakita sa mga larawan na sila ay bumiyahe papuntang San Francisco upang makasama ang anak na si Dominique. Sinamahan naman siya ng kanyang kapareha na si Tonyboy Cojuangco na isang businessman. Sa post ni Gretchen Barretto, nagpasalamat siya kay Tonyboy Cojuangco sa pagkakaroon niya ng maraming oras upang magampanan niya ang pagiging ina at matutukan ng pag-aalaga sa anak na si Dominique.



Pasasalamat din niya dahil hindi na niya kailangang magtrabaho upang problemahin ang pangtustos ng anak at marami na siyang oras upang masamahan sa eskwelahan ang anak.

Ito ang sinabi niya sa isang post habang tinitignan si Dominique:
“I didn’t have to work. I only had to be with you,”

Ito pa ang dinagdag ni Gretchen Barretto:
“I went to school with you because I had the luxury to go to school with you,”
“So thank Dada (Tonyboy Cojuangco).”

Nagpasalamat din sa Grentchen sa partner niya sa isang post. Ito naman ang sinabi niya:
“I thank Dada for being a perfect father to our little one… I would not be this kind of mother if not for Tony who is a hands-on father and a great provider.”



“I was blessed to be able to retire from work and be a full-time mom. I experienced the joy of motherhood every step of the way,”.




error: Content is protected !!