Siya si ‘Ikuta Kuna’ ang magandang taxi driver sa bansang Japan

Minsan ay hindi maiiwasang sumakay ng Taxi dahil kinakailangan nating mapabilis ang biyahe. Pero minsan ay naiinis tayo sa kamahalan ng singil sa pasahe. Gayon pa man, karaniwan sa mga makikita nating driver ng taxi ay mga lalaki. Kung mapapansin pa nga sa mga lumang pelikulang pinoy, ang mga taxi driver ay laging lalaki na mayroong naka-sabit na ‘bimpo’ sa leeg nila.


Pero naka-kita ka na ba ng babaeng taxi driver? Marahil ay mayroon na siguro. Pero mas mabibighani kayo dahil ang taxi driver na ito sa Japan ay isang babaeng ubod ng ganda!


Katulad din sa Pinas, karaniwan sa mga taxi driver sa Japan ay mga lalaki. Pero hindi naman ipinag-babawal ang mga babaeng taxi driver. Isang napaka-gandang taxi driver ang pinag-uusapan ngayon. Kilalanin natin si Ikuta Kana.


Si Ikuta Kuna ay ipinanganak noong ika-18 ng Disyembre taong 1991 sa Nagano Prefecture. Siya ay isang propesyonal na taxi driver at isa ring modelo. Si Ikuta Kuna ay miyembro din ng model unit Mina Mates mula sa fashion magazine mina ng dalawang taon. Nagmomodel din siya sa mga salon sa Voce at ELO.


Nagumpisa si Ikuta Kuna sa pagmomodelo. Ngunit dahil hindi naging regular ang kanyang trabaho, naghanap pa siya ng pwedeng pagkaka-kitaan. Dito ay nalaman niya ang Asuka Traffic Dream Project kung saan ang dalawang tao ay tinatawag na “Mister and Miss Asuka” at mag rerepresenta ng imahe ng kumpanya at magiging guest at makikita sa telebisyon.


Taong 2014 ng maging aktres siya. Ito ay dahil sa naging exposure niya sa ginawang TV guesting. Tatlong taon na ring propesyonal na drayber si Ikuta Kana at nananatili pa rin siyang nagmomodelo.


Nakaka-mangha isipin na sa kabila ng kilala na siya bilang aktres at modelo, patuloy pa rin siyang pumapasada sa bansang Japan. Kaya kung sakaling maka-sakay ka ng taxi sa Japan at masakyan mo ang taxi ni Ikuna Kuna, maswerte ka dahil napaka-gandang dilag ang magmamaneho sa iyo. Ang mga lugar na nililibot ng taxi niya ay sa gitna ng Shibuya, Ebisu at Naka-Meguro.



Reply

error: Content is protected !!