Anak ng aktres na si Natalie Hart pinagkakaguluhan at kinagigiliwan ngayon sa social media!

Kamakailan lamang ay ipinagdiwang natin ang araw mga ina bilang pagpupunyagi sa kanilang kadakilaan at walang hanggang pagmamahal sa kanilang pamilya at mga anak. Maging ang mga paborito at kilala nating mga celebrity moms ay kani-kaniya ring post at pagbabahagi sa social media ng kanilang mother’s day celebration.


Marami nga ang nagulat, natuwa at nasabik nang ipaalam ng aktres na si Natalie Hart na siya ay nagdadalang tao. Si baby Penelope ang panganay nilang anak ng mister niyang Indiano na si Mayank Sharma. Hulyo noong nakaraang taon ng isinapubliko niya ang kaniyang pagdadalang-tao. At noong Setyembre naman nang ipahayag niyang babae ang kanilang magiging anak.


Talaga namang kinagiliwan ng marami ang larawan ni Natalie at nang kaniyang sanggol. Umani ito ng maraming mga komento at reaksyon mula sa mga netizen. Marami din ang labis na humanga kay Natalie dahil sa lalong naging blooming at maganda ito sa kabila ng kaniyang naging pagbubuntis at panganganak. At marami din naman ang tuwang tuwa at cute na cute sa kaniyang baby Penelope. Narito nga ang ilan sa mga komento ng mga netizen:


“Parang gusto ko nalang din ma-haggard kung ganyan yung mukha ng haggard.”

“So beautiful! Like mother, like daughter”

“Haggardoversoza na yan? Sana ganyan din ako mahaggard…ang ganda ni baby”

“Parang di nagbuntis at nanganak”

“Mamsh ang gandaaa mooo”

“parang di nman te, beauty prin. .. kung yan ang pagging hagard anu pa ko te? zombiee na! ”

“Ang ganda moooo girlllll. Nanganak ka ba talaga???? Omggggggg. Blooming mommaaaaa”


Si Natalie Hart ay isang 27-taong gulang na aktres sa Pilipinas. Ipinanganak siya noong ika-14 na araw ng Abril taong 1992. Napanuod siya noon sa mga palabasna “Kambal Sa Uma”, “Tween Hearts”, “My Lover, My Wife”, at marami pang iba. Siya ay kilala rin bilang si Princess Tinkerbell Cristina Marjorie Pedere Snell sa tunay na buhay. Bagamat hindi na siya nakikita madalas sa mga pelikula at telebisyon ngayon ay masaya naman niyang kapiling ang kaniyang pamilya lalo na ang kaniyang anak na si Baby Penelope.



Reply

error: Content is protected !!