Categories: NewsShowbizViral

Ito ang mga larawan ng mga kahawig ni Babalu at Redford White

Sabi nga nila “Laughter is the best Medicine”. Marahil totoo ang mga katagang ito. Dahil tuwing may mga problema, mas mainam kung kalmado tayo sa paghahanap ng solusyon dito. Para mahanap ang solusyon ay dapat mapawi ng kaligayahan ang mga nararamdamang galit o lungkot.


Marami sa atin ang nahihilig sa mga nakaka-tawang palabas. Madalas ay hinahanap natin ang mga pelikulang makapagbibigay sa atin ng pagtawa at paghalakhak. Ilan sa mga naiisipan ay mga pelikula ng sikat na duo na sila Babalu at Redford White.

Bagamat yumao na ang mga aktor na ito, natatak sa isipan ng mga tao ang mga nakakatawang palabas nila. Ilan sa mga sikat na pelikula ng dalawa ay I Do? I D!e! (D’yos ko day) taong 1997, taong tatlong tatay kong pakitong kitong taong 1998, Haba-baba-doo! Puti-puti-poo! taong 1998, at marami pang iba.

Naging kilala ang kanilang galing sa pagpapatawa dahil sa magandang ‘chemistry’ na ginagawa nila. Siguradong maraming tao ang napasaya nila sa mga bukod tanging talento nila.

Maaalala din ang mga katagang sinasabi ni Babalu na “Nang-aano ka e!” at siyempre ang kanyang baba na madalas pagka-tuwaan sa mga pelikula. Bukod tangi din ang pagpapatawa ni Redford dahil sa mga ‘facial expressions’ niya. Kahit wala na sila, mapapanuod pa rin natin ang mga pelikula nila sa internet.

Nakakatuwang isipin na may mga ‘ka-look-a-like’ pala sila. Sa unang tingin ay masasabi mong nabuhay silang muli. Ang mga larawang ito ay pinaguusapan ngayon sa social media at ikinatuwa ito. Ang mga larawang nasabi ay ibinahagi ng isang netizen na nagngangalang “Cesar Sebastian Jr.”.

Sa dalawang larawan ay talagang mabibilib ka sa pagkahalintulad nila sa dalawang aktor na si Babalu at Redford White. Bagamat hindi alam kung sino ang mga ito at kung ano ang pangalan nila, mabilis na kumalat ito sa social media. Sa litrato na kamukha ni Babalu, siya ay nagmamaneho ng truck na laman ay softdrinks. Sa litrato naman ng kamukha ni Redford White, siya naman ay nakuhanan sa loob ng tindahan.


Dahil sa mga litratong ito, naalala ng mga Pinoy ang naging ambag nila sa taong bayan. Ito ay ang saya at ligayang naibigay dahil sa angkin nilang talento sa pagpapatawa.

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago