Kamangha-mangha naman talaga ang bata na ito, sa murang edad ay alam na kung paano mag-ipon ng pera!

Sa mahabang panahon ay nasanay na ang batang lalaki na ito na tingnan na lamang at titigan ang mga taong masaya at masarap na kumakain sa isang kainan na kaniyang pinagtatrabahuhan bilang isang parking boy. Kadalasan din siyang humihingi ng yelo o ice tea sa mga empleyado nito at malugod naman nila siyang pinagbibigyan dahil na rin sa nakikita nilang nagsusumikap siya. Isang araw ay nagulat na lamang sila nang ang bata na ito ay kumakain sa kanila bilang isang regular na customer at nagbayad ng P175 na puro barya. Ito nga ay umani ng maraming positibong komento at reaksyon sa mga netizen.

Ang establisyementong ito ay nakilala bilang “Yumgyeopsal” na mayroong branch sa Baliwag na siya ring nagbahagi ng kwento ng batang lalaki na ito. Ayon sa kanilang staff maaari naman nilang hindi na kuhanin ang bayad ng bata dahil maaaring ito na ang huling mga sentimo niya sa bulsa ngunit ginawa pa rin nila ang mas makabubuti para dito at hinayaan nilang ma-enjoy ng bata ang bunga ng kaniyang pag-iipon, paghihirap at pagsusumikap.

Maraming mga netizen ang natuwa sa ginawa ng bata na ito na talaga namang nagsilbing inspirasyon din para sa maraming mga kabataan. Sino ba naman ang mag-aakala na ang isang bata na maghapon nagtatrabaho ay magagawang ilibre ang kaniyang sarili kahit paminsan-minsan lamang. Wika nga ng iba, ayos lang magtrabaho basta’t maglalaan ka rin naman ng oras para sa iyong sarili. Tunay ngang walang masama na paminsan-minsan ay ilibre mo naman ang iyong sarili at pakinggan ang kalam ng iyong sikmura.

Marami din naman ang nagbigay ng mga papuri sa mismong establisyemento kung saan nagtatrabaho bilang parking boy ang batang lalaki na ito. Hinayaan nilang makakain siya nang mayroong discount at hindi rin sila nagdalawang isip na tanggapin ang kaniyang bayad na talaga namang pinaghirapan at pinagpaguran niya. Bagamat may ilan din namang nagalit sa mga staff na tumanggap ng pera ng bata ay mas marami at mas nangibabaw pa rin ang mga taong pabor sa ginawa ng mga staff dahil sa aral na nais nilang ituro sa batang ito.



Reply

error: Content is protected !!