Marami ang nasorpresa at tila nainggit sa trabaho ng isang Pinay OFW na ito na nagsilbing yaya sa mga aso!

Si Sheena Rose Tamayo ay isang Overseas Filipino Worker (OFW) sa Hong Kong. Sa halip na mga bata ang kaniyang inaalagaan ay walang aso ang kaniyang binabantayan. Sa maraming mga animal lovers, tiyak na ito ang pangarap nilang trabaho. Ano pa nga ba ang iyong mahihiling kung ganitong mga cute na cute na aso ang iyong aalagaan?

Siya ay nag-aalaga sa ngayon ng dalawang poodle, dalawang German Shepherd, dalawang Akita Inus at dalawang Chinese dog. Ayon sa kaniya, nagsimula siyang mag-alaga ng isang aso muna ng siya ay nagtrabaho bilang isang yaya taong 2016. Nakita ng kaniyang amo na maganda ang naging resulta ng kaniyang trabaho kung kaya naman bumili pa ulit ito ng mga aso.

Ang walong mga aso na kaniyang inaalagaan ay talaga namang mahal na mahal niya lalo na ng kaniyang mga ano dahil bukod sa may sariling tagapag-alaga ang mga ito ay mayroon din silang sariling kwarto na mayroong air conditioner sa loob ng kanilang tahanan. Si Sheena ay maaaring malayo nga sa kaniyang pamilya sa isang banyagang bansa ngunit ang pagkakaroon ng mga aso na aalagaan ay talaga namang isa sa mga nakakatuwang trabaho sa lahat. Talaga namang walang tatalo sa ligayang kaniyang nararamdaman sa pag-aalaga sa mga asong ito na sa kabilang banda ay nagtatanggal naman ng stress at pagod niya sa buong araw.

Talaga namang mahirap ang maghanap-buhay, mahirap ang kumita ng pera at ang malayo sa iyong mahal sa buhay. Ngunit kahit papaano naman ay nababawasan ang lungkot na kaniyang nararamdaman lalo na kung mayroon siyang mga alagang aso na napakacute at tila napakasarap yakapin at alagaan.

Marami ngang mga Pilipino ang tila nainggit sa trabaho ng kababayan nating ito. Ngunit ganoon na lamang yata talaga ang buhay pana-panahon lamang ang mga pagpapalang ibinibigay sa atin ng Panginoon. Papasaan ba at ang biyayang para sa iyo ay makukuha mo rin sa tamang panahon.



Reply

error: Content is protected !!