Piloto na naging dahilan ng ligtas na pagkakalapag ng eroplanong walang gulong sa harap, usap-usapan ngayon ng publiko!

Isang piloto sa Myanmar ang tinanghal na bayani ng marami dahil sa ligtas na pagkakalapag nito ng isang eroplano na mayroon na lamang gulong sa likuran. Ayon sa isang opisyal ang landing gear ng eroplano ay pumalya kung kaya naman kinailangang mag-emergency landing ng jet na ito noong Linggo ng umaga.

Ang emergency landing na ito ang tinatayang ikalawa na sa naitala sa Myanmar noong Linggo na iyon. Ang “Myanmar Airlines Flight UB-103, isang Embraer-190 model ay nakalapag ng ligtas sa Mandalay ng ika-9 ng umaga. Ang Mandalay ay isang siyudad na kilala ng maraming mga turista. Ang eroplanong ito ay mayroong sakay na 89 katao kasama ang pitong mga crew member.

Ayon sa ilan pang ulat, habang papalapit ang eroplano sa Mandalay ay napansin ng ilang mga crew na hindi nakaextend ang nose gear nito. At agad na ngang gumawa ng paraan ang mga piloto ng nasabing eroplano. At dahil nga sa angking husay at lakas ng loob ng mga piloto at mga crew ay ligtas na nailapag nila ang eroplano ng walang sinumang nasaktan.

Narito ang maging pahayag ng piloto na si Captain Myat Moe Aung:
“followed emergency procedures and did the fuel burn out to reduce the landing weight,” before bringing the jet down onto its rear wheels; lowering the nose carefully onto the runway on which it skidded for about 25 seconds before stopping.”

Talaga namang nakakamangha ang ginawa na ito ng mga staff ng eroplano. Mabuti na lamang at walang nasaktan o napuruhan sa nasabing aberya. Isang napakahalagang bagay talaga na mayroong mahusay na piloto ang sasakyang panghimpapawid na ito at talaga namang naiwasan ang kapahamakan ng maraming mga pasahero at maging ng mga crew ng nasabing eroplano. Tunay ngang malaki ang maitutulong kung mananatili tayong kalmado sa ganitong uri ng mga pagkakataon at pangyayari sa ating buhay.



Reply

error: Content is protected !!