Sila ang mga sikat na personalidad na pinasok ang pulitika



Marahil ay napapansin na maraming mga kilalang tao ang pinapasok ang pulitika. Napapaisip tayo kung bakit kagustuhan nila ito. Pero ano pa man ang dahilan nila ang pagiging isang pulitiko ay para dapat sa ikaka-ganda at ika-uunlad ng ating bayan. Kung tutuusin ay madali lamang sa mga artista na maging pulitiko dahil kilalang-kilala na sila ng taong bayan.

Ating kilalanin ang ilan sa mga sikat na personalidad na pinasok ang pulitika.



1. Manny Pacquiao


Ang tinaguriang ‘Pambansang Kamao’ ay naging isang congressman muna bago maging isang senador. Dahil sa tagumpay na nakamit niya sa mundo ng boxing, ito ang naging dahilan upang magkaroon siya ng yaman na pwede niyang ibahagi sa pamilya at sa mga nangangailangan. Marami ang nagtiwala sa kanya kaya siya ay naging senador ng bansa.


2. Jinkee Pacquiao


Kasama sa pag-angat sa buhay ng ‘Pambansang Kamao’ ang kanyang asawa. Si Jinkee Pacquiao ay dating vice governor ng Sarangani.


3. Tito Sotto


Isa sa mga pinaka-sikat na artistang pumasok sa pulitika ay si Tito Sotto. Ang miyembro ng trio na TVJ at Host ng Eat Bulaga ay isa ng Senate President ngayon.



4. Richard Gomez


Ang matini idol na tinilian ng maraming babae noong kasikatan niya ay si Goma. Siya ngauon ay re-elected na mayor ng Ormoc City.

5. Lucy Torres


Katulad ng asawa ni Lucy, malaki ang tiyansa niyang bumalik sa kanyang pwesto bilang congressman ng 4th district ng Leyte.



6. Vilma Santos


Ang kilalalng taga-batangas na congressman ng 6th district ng Batangas na si Vilma Santos ay sigurado na sa kanyang pangalawang termino.

7. Lito Lapid


Malaki din ang tiyansa ng sikat na aksyon star na si Lito Lapid na makapasok ngayon sa senado. Siya ay maraming nakuhang boto sa taong bayan at pasok na pasok sa 12 makukuha.

8. Bong Revilla Jr.


Ang trending na si Bong Revilla Jr. dahil sa kanyang ‘budots’ ads ay ninais muling tumakbo sa senado. Mahahalal kaya siya muling senador ngayon?

9. Joseph Estrada


Ang kilalang aksyon star dati na si Joseph Estrada ay naging pangulo natin dati. Ngunit dahil sa impeachment ay siya ay nawala sa kanyang puwesto. Nagsilbi din siyang mayor ng Maynila ngunit sa pagtakbo niya ngayon ay natalo siya.

10. Edu Manzano


Naging vice mayor naman si Edu Manzano ng Makati City. Tumakbo din siyang senador noong 2016 ngunit hindi pumasok.

11. Joey Marquez


Ang sikat na aktor naman na si Joey Marquez ay naging vice mayor, municipal mayor, at city mayor ng Parañaque.

12. Cristina Gonzalez-Romualdez


Ang dating mayor ng Tacloban city na si Cristina Gonzalez-Romualdez ay nagsabing hindi na siya tatakbo ngayong eleksyon

Ito ang naging pahayag:
“Well for now talaga, at since 9 years na rin akong councilor at 3 years of mayor… 12 years no, kasi I was a councilor, mayor’s wife, it was quite hectic so, for me I would like really to rest muna now.”

13. Marjorie Barretto


Ang magandang si Marjorie Barretto ay dating councilor ng Caloocan.

14. Dingdong Avanzado


Naging vice governor naman ng Siquijor si Dingdong Avanzado.

15. Fernando Poe Jr.


Marami ang nagsabi na malaki ang tiyansa ni ‘Pando’ na maging presidente ng bansa. Tumakbo siya bilang presidente ng Pilipinas noong 2004 bago maging yumao.

16. Alma Moreno


Ang sikat na aktres naman na si Alma Moreno ay tatlong termino nang naninilbihan bilang Councilor ng Parañaque.

17.Herbert Bautista


Ang kilala nating ‘Bistek’ ay ang dating Mayor ng Quezon City.

18. Imelda Papin


Ang magaling na mang-aawit na si Imelda Papin ay nagkaroon na ng dalawang termino sa pagiging vice governor ng Camarines Sur.

19. Anjo Yllana


Si Anjo Yllana naman ay naging vice mayor ng Parañaque at ngayon ay tumatakbo bilang councilor ng Quezon City 5th district.

20. Roderick Paulate


Ang komedyante at magaling na artista na si Roderick Paulate ay naging councilor naman ng Quezon City. Siya ay tumatakbong vice mayor ngayon.

21. Toni Gonzaga


Ang magaling na aktres na si Toni Gonzaga ay kilala sa kanyang lugar sa Taytay Rizal. Bago siya naging artista ay naging SK muna siya at Barangay Kagawad sa kanilang lugar.




error: Content is protected !!