Isang 106 taong gulang na babae pagiging single ang dahilan ng kaniyang mahabang buhay na ipinaliwanag naman ng Science ang tunay na dahilan!

Sabi nga ng marami mas mainam nang single ka at masaya kaysa naman may karelasyon ka nga pero hindi naman kayo masaya. Taong 2018 nang ibinahagi ng isang 106 taong gulang na si Madeline Dye ang sikreto ng kaniyang maligaya at masayang pamumuhay. Siya ay ipinanganak noong lumubog ang pamosong barko na Titanic. At ayon sa kaniya ang pagiging single niya ang dahilan kung kaya nagtagal ng higit sa 100 taon ang kaniyang buhay.


Ayon sa kaniyang pamangkin na si Diana Heaton sa kaniyang interview sa “Huffington Post”:
“Whenever anyone asks her about her past romances or she has a husband, she says ‘I’ve never had one, that’s why I’m this age… She says she has not had the stresses of marriage, it’s tongue-in-cheek more than anything. She has a great sense of humor still, she has never lost it.”

Kung tila nagbibiro lamang si Madeline sa kaniyang mga pahayag. Ayon naman sa Science ang pagiging single ay nag-iimprove sa paglipas ng panahon o habang tumatanda ang isang tao. Nagiging natural na lang din sa komunidad natin ngayon ang mga babae na nagtatrabaho at kumikita ng sarili nilang pera.

Mas marami na ding bilang ng mga kababaihan ngayon ang mas pinipili na lamang na hindi na mag-asawa at maging single na lamang dahil sa maraming mga kadahilanan. Narito ang ulat ng isang “Urban Institute”:
“An unprecedented portion of millennials will remain unmarried through age 40”—that is, if they consider getting married at all, as new data from Pew Research says that more people “under 35 will be single forever.”


Ang naging pahayag din na ito ni Madeline ay tila sinusuportahan din ng mga data patungkol sa mga hindi magagandang karanasan at problema ng mga mag-asawa na katumbas na rin ng mga bisyo gaya ng paninigarilyo at labis na pag-inom ng alak.

Source:FemaleNetwork



Reply

error: Content is protected !!