Isang bumbay ang nagrereklamo sa barangay, nakaka-aliw ang mga sinasabi niya

May biro tayo na madalas marinig sa panahon na kailangan ng pera. Ito ay ang “Ang taong gipit, sa bumbay lumalapit”. Masasabing madali talagang lapitan ang mga nagpapa-utang na mga bumbay sa mga panahon ng kagipitan. Sa hirap ng buhay ng ilang mga tao, lahat ay ginagawan ng paraan upang maging maayos ang pamumuhay kahit mangutang pa sa mga bumbay.

Maaalalang naging-‘trending’ ang mga ‘bumbay memes’ na kinatuwaan ng maraming tao. Ito ay larawan ng bumbay na naka-sakay sa motor at may iba’t-ibang mga mensahe na nakaka-aliw patungkol sa mga taong pinautang ngunit hindi nagbabayad.

Nakaka-tuwa mang basahin ito ngunit ang katotohanan ay isa rin itong paalala na kapag ikaw ay nangutang dapat lamang ay magbayad. Totoong dumarating sa puntong tayo ay ginigipit, pero kapag dumating ito, dapat ay harapin at humingi ng dispensa at pangakong magbabayad sa susunod. Pero may mga ibang tao talaga na kayang magtago para hindi magbayad ng utang. Isang bumbay ang nagreklamo sa barangay patungkol sa mga hindi nagbabayad sa kanya.

Isang video ngayon ang kumakalat tungkol sa nakaka-tuwang mga sinabi ng bumbay sa barangay.

Sa panimula ng video, ito ang sinabi ng bumbay:
“Pag lindol hindi ramdam, pag ako dating, layo pa lang ramdam na agad!”

Habang kinakausap ang nasa barangay, natatawa na lamang ang bumbay sa mga sinasabi niya. Marahil ay nababasa niya ang mga ilang bumbay memes na kumakalat sa social media. Sabi ng bumbay ay magaling din ang mga gumawa ng mga memes. Sabi naman ng nasa barangay ay ‘relate na relate’ siya dun dahil mga ka-lahi daw niya iyon. Biniro pa ng isa sa barangay na sikat na daw siya dahil may page na daw siya.

Muli namang bumanat ng meme ang bumbay at ang sabi:
“Ako Bigay Tali Aso, Ako Singil Di Na Tali!”

Bagamat nakaka-tuwa ang mga sinasabi ng bumbay, ito pa rin ay paalala na dapat bayaran ang utang at hindi iwasan.



Reply

error: Content is protected !!