Isang Pinay OFW, sinurpresa ng cake at pagbati ng kanyang mga amo

Isang malaking pagsubok para sa OFWs ang ma-layo sa kanilang mga pamilya. Sa kagustuhan na umasenso sa buhay, marami sa ating nga pinoy ang sumusugal ng kapalaran sa ibang bansa. Kung may mga pinapalad ay mayroon ding nabibigo. Pero ganoon talaga ang buhay, hindi sa lahat ng pagkakataon ay umaayon lahat sa kagustuhan natin.

Marami na tayong narinig na mga kwento patungkol sa mga OFW’s na inaabuso ng kanilang mga amo sa ibang bansa. Kalimitan sa mga bansang may mga ganitong pangyayari ay sa middle east. Kaya kung ikaw ay may nais na mamasukan na kasambahay sa lugar na ito, dapat ay maging handa sa mga maaaring mangyari upang maiwasan ang hindi magandang kaganapan.

Gayon pa man, hindi lahat ng mapapasukan sa lugar na iyon ay maabuso. Mayroon ding mga mababait na amo na makatao at maalaga sa kanilang kasambahay. Katulad na lamang ng isang Pinay OFW na ang palayaw niya ay ‘Ate She’. Pinag-uusapan ngayon ang video na makikita sa Facebook page na “OFW Community” ang kabutihan na ipinaramdam sa kanya ng mga amo ni Ate She sa Middle East.

Makikita sa video ang labis na kaligayahan na naramdaman ni Ate She ng siya ay binigyan ng ‘Birthday Cake’ sa kanyang kaarawan habang siya ay kinakantahan ng ‘Birthday Song’. Mapapansin din na siya ay naiiyak sa sobrang kasiyahan na nararamdaman. Pagkatapos ng kanilang pagkanta ay sinabihan ng mga amo na humiling muna siya bago hipan ang kandila.

Ang kaarawan ang isa sa pinaka-mahalagang araw para sa isang indibidwal. Dito ay ginugunita natin ang araw na isinilang tayo sa mundo. Kaya ang bawat kaarawan ay isang biyayang maituturing para sa ating lahat na karapat dapat namang ipagdiwang.

Marahil ay napaka-buting tao ni Ate She sa kanyang pinapasukan, kaya nagawa ng kanyang mga amo ang ganitong bagay sa kanya. Kaya para sa mga OFWs nating kababayan, maging mabuti at tapat lamang sa trabaho upang maging mabuti rin ang pakikitungo sa inyo ng mga amo.



Reply

error: Content is protected !!