Ito ang mga sinabi ni James Reid kung bakit hindi nakuha si Luke Baylon sa ‘Idol Philippines’

Isang mang-aawit ang sumubok ng kanyang kapalaran sa kilalang “Idol Philippines”. Siya ay si Luke Baylon na taga-tugegarao. Tinanong ng mga hurado ko sino ang kanyang mga kasama at sinagot niya na kasama niya ang kanyang dalawang ina. Sa pagtataka ay tinanong ng mga hurado ang kwento bakit dalawa ang kanyang ina.

Sa kwento ni Luke Baylon, ibinahagi niya na ang ‘biological’ na ina niya ay isang labandera. Inampon siya ng mga taong pinaglalaba ng kanyang ina. Sa paglipas ay pinaampon ulit siya sa ibang pamilya pero sa kabutihang palad ay malaya pa rin niyang nakikita ang kanyang tunay na ina.

Natuwa ang mga hurado pati na rin si Billy Crawford sa kwento at samahan ng dalawang ina ni Luke Baylon. Dala ang gitara upang tumugtog, kinanta ni Luke ang “If I Aint Got You” sa sarili niyang rendisyon na Reggae. Mapapansin na bigay todo sa performance si Luke Baylon sa kanyang audition ngunit hindi naging maganda ang naging resulta para sa ibang hurado. Si James Reid ang unang nagsabi ng “No” at sinundan ito ni Moira, at ni Vice. Tanging si Regine lamang ang nagsabi ng “Yes” dahil nagustuhan naman niya ang pagkanta ni Luke Baylon.

Nagkaroon ng iba’t-ibang reaksyon ang pangyayaring ito sa social media. Kaya naman nagbigay na ng sagot si James Reid kung bakit “No” ang sinagot niya sa performance ni Luke.

Ayon sa tweet ni James Reid:
“Like I said, Luke Baylon is a good singer but we’re looking for the total package,”

Idinagdag pa niya:
“Wait till you see the 12 finalists. You’ll see why I said he wasn’t ready. For now, I wish Luke all the success is his music career. That rendition of If I Ain’t Got You was $ick,”

Gayon pa man marami pa ring mga komento patungkol sa panghihinayang nila sa talento ni Luke Baylon katulad nila Juan Karlos Labajo at ni Quest.

Pero ibinahagi ni James Reid ang hirap ng pagiging isa sa mga hurado ng “Idol Philippines”.

Ayon pa kay James Reid:
“You have no idea how hard it is to crush people’s dreams right in front of them. That’s the burden we carry as judges to try and give one special person a chance of a lifetime. Just wait. The auditions isn’t even the hardest part.”



Reply

error: Content is protected !!