Mamamangha ka sa ganda ng gown na sinuot ng isang kandidata ng Bb. Pilipinas, ito ay gawa ng BJMP inmates kinagiliwan at hinangaan talaga ng publiko!

Ang National Costumes ng mga kandidata ng Bb. Pilipinas ay nakatuon sa mayamang kultura at tradisyon ng ating bansa. Ang photo exhibit ay binuksan sa publiko noong ika-8 ng Mayo sa Gateway Mall, Cubao habang ang National Costume Fashion Show naman ay gaganapin pa sa ika-29 ng Mayo sa New Frontier Theater sa Araneta Coliseum.


Sa opisyal na Facebook page ng Bb. Pilipinas ay ibinandera ng mga naggagandahang kandidata ang mga nakakamanghang costume na talaga namang pumukaw sa atensyon ng maraming mga netizen. Isa na nga sa mga pinakapinag-uusapang National Costume ay ang napakagandang puting ball gown na suot ng kandidatanh si Emma Mary Tiglao na mula sa Pampanga. Siya ay 26 na taong gulang na, at ang kaniyang larawan suot ang magnipikong gown ay umani na ng higit sa 65 libong mga reaksyon sa social media.


Ang nasabing National Costume ay idinisenyo ng Kapampangan designer na si Ginoong Rich Sabinian at ginawa naman ng mga residente ng PDL basket weaver o ng mga Persons Deprived of Liberty mula sa Angeles District Ja!l Male Dorm. Tinatawag naman nila ang ball gown na ito bilang “Fe Esperanza Caridad” na ang ibig sabihin ay “Faith, Hope, and Charity” na isang simbolismo ng mayamang kultura ng Pampanga.


Tradisyunal na paglalala rin ang ginawa nila dito na kung tawagin ay ang “solihiya” at ang tradisyunal na paglililok ng kahoy sa Pampanga na kung tawagin ay “pinukpok”. Ang Bureau of Ja!l Management and Penalogy Angeles District Ja!l ay nagbahagi ng kanilang post sa social media patungkol sa paggawa ng kanilang mga inmates sa nasabing gown. Labis labis naman ang pasasalamat nila kay Bb. Tiglao at Ginoong Rich Sabinian sa pagtitiwalang kanilang ibinigay.


Talaga namang pinuri ng maraming mga netizens ang napakagandang gown ng pambato ng Pampanga na likha ng mga inmate ng BJMP. Kahanga-hanga ang kanilang angkin na husay at galing na tunay nga namang naging inspirasyon ng marami pang mga inmates at iba pa nating mga kababayan.



Reply

error: Content is protected !!