Ang babaeng tinaguriang bagong nobya ni Xander Ford, kilalanin si Marries Cabral!

Ang pangalan na Xander Ford ay naging usap-usapan ng marami dahil sa transpormasyong bumago sa kaniyang buhay sa tulong na rin ng Rated K at ng Sta Image Management. Si Xander Ford o kilala rin noon bilang si Marlou Arizala ay sikat na sikat sa social media dahil sa hindi kanais-nais nitong pisikal na anyo o ang tawag pa nga ng karamihan ay hindi masyadong gwapo.

Ito ang naging dahilan upang maliitin siya at kutyain ng maraming mga tao. Kung kaya naman nagkaroon siya ng pagkakataon na mabago ang kaniyang buhay sa pamamagitan ng mga operasyong ginawa sa kaniyang mukha upang siya ay maging gwapo o magandang lalaki.

Hindi rin naman lingid sa ating kaalaman ang kontrobersyang kaniyang kinasasangkutan sa ngayon dahil sa pagiging bastos niya at walang respeto na pinaimbestigahan rin ng Star Image Management. At totoo nga ang mga ito base sa kanilang pag-iimbestiga. Kung kaya naman sinuspinde nila si Xander Ford at binawi na ang bagong pangalan nito mula sa kaniya. Sa kasalukuyan ay naghahanap nang muli ang nasabing management ng panibagong indibidwal na papalaring maging isang Xander Ford.

Naging usap-usapan din naman ang babaeng malapit sa puso ngayon ni Xander Ford na nakilala bilang si Married Cabral na isang estudyante mula da Far Eastern University.

Isa rin siyang social media influencer tulad ni Xander Ford. Halatang-halata ang closeness at sweetness ng dalawa sa mga larawang ibinabahagi nila sa kani-kanilang social media account dahilan na rin upang tagurian ng marami si Marries na bagong nobya ng binata. Ngunit hanggang sa ngayon ay wala pang kompirmasyon mula sa dalawang partido.

Marami din naman ang nagdarasal na sana ay siya na nga ang babaeng magbabago sa ugali ng isang Xander Ford. Maaaring sa ngayon ay bastos o walang respeto siya sa ibang tao ngunit hindi natin alam kung ano ang kayang gawing pagbabago ng tunay na pag-ibig sa isang tao, hindi ba?



error: Content is protected !!