Isang lalaki ang tumulong sa pulubi na ito, makalipas ang tatlong taon ay nasuklian siya sa kaniyang mabuting ginawa ng hindi niya inaasahan!

Marami pa rin talaga ang mga taong may bukal na kalooban at bukas-palad na tumutulong sa mga nangangailangan. Isa na marahil ang kwento ng lalaki na ito sa maraming mga kwento ng pagtulong na tunay ngang nagiging inspirasyon sa marami nating mga kababayaan. Bagamat mayroon din siyang sarili niyang pinagdaraanan sa buhay ay hindi siya nagdalawang isip na tulungan ang isang pulubi na pinagtatawanan ng mga tao sa labas ng kaniyang pinagtatrabahuhan. Ang nais lamang ng pulubi ay makabili ng pagkain ngunit peke pala ng kaniyang pera. Dahil sa matinding awa ay binigyan niya ito ng pera at nakabili na nga siya ng kaniyang makakain.


Ang lalaking ito ay mayroong asawa na may sakit kung kaya naman siya ay matiyagang nagtatrabaho sa umaga bilang tindero sa tindahan ng pagkain at security guard naman sa isang construction site pagsapit ng gabi. Tunay ngang hindi mo makikita sa kaniyang mga mata ang paghihirap at pagod na kaniyang nararanasan sa araw-araw bagkus ay lalo pa siyang nagsusumikap at nagtitiyaga para sa kaniyang may sakit na asawa.


Hindi niya inakala na matapos ang tatlong taon ay mag-aani siya sa kaniyang ginawa na kabutihan sa kaniyang kapwa. Dahil ang tinulungan niyang pulubi ay kinupkop pala ng isang mayamang pintor dahil sa nakitaan siya nito ng husay at galing sa pagguhit. Ito rin ang tumulong dito upang maging matagumpay at umasenso sa buhay. Kung dati ay isa siyang pulubi ngayon ay mayroon na siyang mamahaling sasakyan, mga damit, ari-arian at pera.


Isang araw ay pinuntahan ng dating pulubi ang tindero ng dumpling na tumulong sa kaniya. Paglabas pa lamang niya ng magara niyang sasakyan ay pinagtinginan na siya ng mga tao. Ngunit ang sumunod niyang ginawa ang talaga namang ikinagulat ng maraming mga tao. Dahil pagpasok niya sa tindahan ay agad itong lumuhod at nagpasalamat sa tindero na binigyan din niya ng “bank card”.

Nagulat ang tindero nang malaman na siya pala ang dati niyang tinulungan na pulubi. Ang bank card ay mayroong laman na malaking halaga na naging malaking tulong sa kaniya upang mapagamot ang kaniyang asawan may sakit.



error: Content is protected !!