Misis at kapatid nito ipinagbubuntis ang mga kambal na anak ng iisang lalaki lamang!

Maraming mag-asawa ang nangangarap maging mga magulang at magkaroon ng sarili nilang mga anak. Ngunit hindi naman lahat ay nagkakaroon ng pagkakataon na mabiyayaan ng mga supling sa sandaling panahon ng kanilang pagsasama.

Iisang lalaki lamang ang ama ng ipinagbubuntis na kambal ng magkapatid na sina Chris at Anne, ngunit hindi ito gaya ng mga hindi magagandang balita sa telebisyon o sa radyo na madalas nating marinig dahil ang kanilang kwento ay kakapulutan mo ng aral at kakikitaan mo ng pagmamahal nila sa isa’t-isa.

Ang magkapatid na si Chris at Anne ay mula sa Ohio, USA at pareho silang nagdadalang-tao ng kambal, sabay na nagsilang at ang ama ng kanilang mga anak ay iisa rin. Nagsimula ang kanilang kwento ng kahit anong gawin ng kapatid ni Chris na si Anne at mister nito ay hindi pa rin sila mabiyayaan ng anak sa limang taon nilang pagsasama bilang mag-asawa. Noon pa man ay pangarap na ni Anne na maging isang ina ngunit sadyang hindi yata para sa kaniya ang pagiging isang magulang kung kaya naman talagang pinanghihinaan na siya ng kalooban.

Ikinabahala at ipinag-alala naman ni Chris ang sitwasyong ito ng kaniyang kapatid kung kaya naman napagdesisyunan niyang siya na lamang ang magbubuntis para sa kaniyang kapatid upang matupad na ang matagal nilang pinapangarap na mag-asawa.

Dahil dito ay nabuhayan na naman ng pag-asa si Anne at agad nga silang kumonsulta sa espesyalista at nilagyan ng fertilized na egg cell ni Anne at mister nito ang kapatid niyang si Chris.

At naging matagumpay nga ang naging proseso dahil parehong nagdalang tao ang magkapatid at kambal pa ang kanilang mga supling. Talaga namang doble doble ang naging kasiyahan nila sa biyayang ipinagkaloob sa kanila. Tunay ngang ang lahat ng bagay ay mayroong tamang panahon. Tamang panahon upang makamtan mo ang mga bagay na inilaan sayo ng Panginoon.



error: Content is protected !!