Amo na Arabo, pamilya kung ituring ang mga OFW niyang kasambahay!



Ang mga Pilipino ay talaga namang kilala na mapagmahal at maasikaso sa kanilang pamilya. Hindi naman maikakaila na isa ito sa pinaka-ipinagmamalaki nating ugali sa maraming mga banyaga. Sabi nga nila, “Iba pa rin mag-alaga ang mga Pinoy” at tiyak na batid ito ng maraming mga banyagang pamilya sa iba’t-ibang panig ng bansa na nakaranas ng pagmamahal, pag-aalaga, at pag-asikaso ng isang Pilipino.



Ngunit sa kabila nga nito ay marami pa rin tayong nababalitaan patungkol sa mga banyagang nang-aabuso ng mga kababayan natin sa ibang bansa. Hindi lamang pisikal, mental, o emosyonal ang nararanasang pang-aabuso ng ilan sa ating mga kababayan dagil ang ilan pa nga ay labis labis na minamaltrato na nagreresulta pa sa pagkuha nila ng sarili nilang mga buhay o di kaya naman ay pagtalon nila sa mga gusali o pagtakad sa mga tahanan na kanilang pinagtatrabahuhan.


Kung kaya naman labis na ikinasaya ng sambayanang Pilipino at nang maraming mga netizen ang kakaibang pagtrato na ito ng isang Arabo sa kaniyang mga kasambahay na kung saan kasabay pa niya silang kumakain sa hapag-kainan, puno ng saya at ligaya ang kanilang mga mata, walang tensyon o takot na nararamdaman. Ibinahagi ito ng isang Facebook page na may pangalan na “I Love Trinidad”.


Dahil dito ay lalong dumami ang mga Pilipino na nangangarap magkaroon ng ganito kabait na amo. Maaaring sa ngayon ay may iilan pa rin na nagtitiis sa mga abusado mapanakit na amo ngunit darating at darating din ang katapusan ng kanilang pagdurusa at papasaan pa at mararanasan din nila ang saya at biyayang nadarama at nararanasan ng mga Pinay na ito sa kanilang amo.



Minsan pa ay hindi nga dahilan ang pagkakaiba ng lahi upang maiba rin ang pagtrato natin sa isang tao. Basta’t itatrato natin ang bawat isa ng may respeto at pagmamahal ay tiyak na magkakaroon ng mapayapa at masayang pagsasama para sa ating lahat, iba man ang ating lahi, ang kulay ng ating balat o ang ating mga pinaniniwalaan.




error: Content is protected !!