Carlo Mendoza na kilala rin bilang Gigil Kid masayang ibinahagi na si Vice Ganda ang sumusuporta ng kaniyang pag-aaral hanggang sa Grade 6!



Labis labis ang pasasalamat ni Gigil Kid Carlo Mendoza sa kaniyang Mama Vice. Nakilala at sumikat sa social media ang bata na si Carlo Mendoza ng kumalat ang kaniyang “gigil video” noon sa social media kung saan gigil na gigil niyang ipinagtatanggol ang kaniyang kapatid. Kalaunan ay inimbitahan siya ni Vice Ganda sa programa. Itong “Gandang Gabi Vice” bilang isang bisita.



Ang batang si Carlo ay lumaki sa kaniyang ama nang maghiwalay ang kaniyang mga magulang noon. Kung kaya naman labis siyang naging malapit sa kaniyang ama at bukang-bibig nito an kaniyang pagmamahal sa ama. Dahil sa pagiging totoo ng pagmamahal na ito ni Carlo sa ama ay hindi na nga napigilan pa ni Vice Ganda na maiyak. Simula nga noon ay si Vice na ang tinawag niyang “mama.” Ang “Unkabogable Star” pa nga ngayon ang nagpapaaral sa kaniya at nangakong hanggang sa pagtungtong niya ng Grade 6 ay susuportahan niya pa rin ito.

Ang bibo na bata na ito ay kasalukuyang nasa unang baitang na. Nagkaroon pa nga ng interview sa “Magandang Buhay” si Carlo at naibahagi pa nga nito kung gaano siya nagpapasalamat sa batikang komedyante sa lahat lahat ng mga naitulong nito sa kaniya. Narito ang kaniyang pahayag: “Si Mama Vice rin ang nagpapaaral sa akin po… hanggang Grade 6.” Itinuturing at minamahal ni Carlo na para niya nang tunay na ina si Vice dahil sa dami ng pabor at mga tulong na iniaabot nito sa kaniya.


Narito ang naging mensahe ni Carlo para sa kaniyang Mama Vice:
“Si Mama Vice, kasi nanay ko na po siya. Kasi mabait po. Kahit ano pong hilingin ko, ibinibigay niya po. Mama Vice, masaya ako sa iyo, wala na akong hihilingin.”


Narito naman ang komento ng Magandang Buhay host na si Melai Cantiveros sa kasipagan ng mag-ama:
“Alam mo nakaka-touch ito. Alam mo ba nagla-live kami ng ‘PBB’ eviction night, akala ko sino ang nagje-jester sa labas, si Carlo pala dahil ang papa niya ay nandoon sa labas, nagbebenta ng balot sa mga audience. Proud ako sa kanila at saka sinasamahan niya ang daddy niya. Dahil masipag talaga sila kasi kung wala silang trabaho sa showbiz ay ginagawa pa rin nila ang dati nilang trabaho.”






error: Content is protected !!