Dating ‘Goin Bulilit’ na si Mutya Orquia, isa nang magandang dalaga!

Isa sa pinaka-nakakatuwang palabas na pinapanuod ay ang ‘Goin Bulilit’. Ang palabas na ito ay pinagbibidahan ng mga artistang batang nakaka-aliw at nakakapag-hatid ng kaligayahan hindi lamang sa mga kabataan pati na rin sa mga matatanda.


Dahil matagal na rin ang palabas na ito, ang mga dating cast ng programang ito ay nagbibinata o nagdadalaga din. Ilan sa mga dating cast ay talaga namang sumikat muna sa palabas na ito. Kaya may mga ilan na sumusubaybay sa mga pag-usbong ng mga dating ‘Goin Bulilit’ na mga artista.


Katulad na lamang ni Mutya Orquia, na may tunay na pangalan na Ruelleeen Angel Olano, na isa rin dating ‘Goin Bulilit’ na artista. Nakaraang 2011 ay gumanap din siyang isang sirena sa isang kapamilya fantaserye na Mutya.


Gumanap din siya bilang batang Jade Dimagiba sa isang teleserye na My Binondo Girl. Napabilang din siya sa isang palabas na Be Careful With My Heart bilang si Abigail noong 2012 hanggang 2014.


Pero ang dating nakaka-aliw na bata ay isa nang dalaga na ngayon. Si Mutya ay may edad ng 13 na taong gulang at talagang malaking pagbabago ang nangyari sa kanya sa kanyang pisikal na itsura.


Sa murang edad lamang ay marami na siyang napatunayan. Hindi lamang sa galing niya sa pagiging artista pati na rin sa taglay niyang kagandahan.


Marami ng artista na katulad ni Mutya na simula pagka-bata ay na-hubog na ang galing sa klase ng kanilang trabaho. Ang karera ni Mutya sa mundo ng showbiz ay maaring umusbong pa dahil sa kanyang pagdadalaga.


Hindi natin masasabi ang dulo ng kasikatan ng isang artista, depende pa rin ito sa magiging takbo ng kanilang mga proyekto. Katulad ni Mutya na sa pagiging bata pa lamang ay marami ng humanga at ngayong dalaga na siya ating abangan ang pag-usbong ng kanyang kasikatan



error: Content is protected !!