Ito ang buhay ni Ara Mina sa pag-asikaso niya sa mga business niya na ‘Ara’s Secret’ at ‘HazelBerry’



Isang matalinong desisyon hindi lamang sa mga artista pati na rin sa lahat ang magkaroon ng sariling pagkaka-kitaan. Ang pagkakaroon ng business ay isa sa pinaka-magandang desisyon para sa kahit sinong indibidwal. Kaya maraming artista ang may sariling business upang pagdating ng araw at umayaw na sila sa mundo ng showbiz, mayroon pa rin silang pagkaka-kitaan.


Isa na dito ang sikat na artista dati na si Ara Mina. Nakilala siya sa pagiging magandang aktres at bumida na rin sa maraming pelikula. Nagumpisa ang kanyang katanyagan noong siya ay 14 na taong gulang na siya ay napabilang sa isang palabas na “That’s Entertainment”. Ito ang naging dahilan upang magbukas ng pinto ang mga magagandang proyektong dumating sa kanya. Dahil sa taglay niyang kagandahan at galing niya sa pag-arte ay marami na rin siyang mga awards na nakuha.


Ngayon ay isa na siyang ina sa isang babaeng anak na ang pangalan ay si Amanda Gabrielle. Kinasal si Ara Mina sa isang Mayor ng Bulacan na ang pangalan ay Patrich Meses. Ito marahil ang naging dahilan upang tuluyan na niyang nilisan ang mundo ng showbiz. Upang matutukan ang pamilya at ang kanyang business.


Ilan sa mga pinagkaka-kitaan niya ay ang pagbebenta ng mga pampaganda na produkto at nagbibigay din siya ng mga payo sa pagkakaroon ng magandang kutis. Ang Ara’s Secret ay nagumpisa noong 2014 at maraming mga kapwa niyang artista ang sumuporta sa kanya. Marami ring mga netizen ang nagbigay ng mga positibong komento sa kanyang mga produkto




Bukod sa kanyang mga pampagandang produkto, mahilig din siyang mag-bake. Nagumpisa siyang magbenta ng mga cookies noong taong 2013. Ito ang naging dahilan upang magkaroon siya ng sarili niyang business upang mabenta niya ang mga sarili niyang gawang cookies, cakes, at iba pa. Pinangalanan niya ang business niya na ‘HazelBerry’ na hango sa tunay niyang pangalan na Hazel Pascual Reyes.


Ibinahagi niya sa kanyang instagram ang larawan at pasasalamat sa mga nagsuporta sa kanya. Ayon kay Ara Mina:


“Turning my name into a brand is one of my biggest accomplishments. When I launched Ara’s Secret (@arassecret), ang motivation ko was to share my beauty secrets to all of you. You supported me and I am so thankful for that. Overwhelming din ang support ninyo sa Hazelberry Cafe (@hazelberrycafe) na dinadayo pa talaga ng iba sa inyo. Now, I’m excited to tell all of you that I am introducing another business venture. I am happy to announce that Ara Shoes is already out!”



error: Content is protected !!