Kinagiliwan ng marami ang throwback photos na ito ng mga bagong halal na Mayor ng Maynila na sina Isko Moreno at Vico Sotto!



Kamakailan nga lamang ay idinaos sa ating bansa ang pinaka-aabangang eleksyon ng mga Konsehal at Alkalde ng Bayan, maging ng mga Senador, Gobernador, Bise-Gobernador, at Party list. Hindi hinayaan ng maraming mga Pilipino na masayang ang kanilang boto na karapatan din naman ng bawat isa sa atin. Kung kaya naman nahalal na at nailuklok ang mga kandidatong nanalo at binoto ng sambayanang Pilipino noong araw ng eleksyon.



Ilan na nga sa kanila ang mga kilalang personalidad na sina Isko Moreno at Vico Sotto. Si Isko Moreno ay dating sikat na aktor na mas minabuti na lamang maglingkod sa bayan at maging pulitiko. Ang dating aktor at alkalde na ngayon ng Maynila ang tumalo sa dating Presidente ng Pilipinas at dating Alkalde ng Maynila na si Joseph Estrada.


Habang ang 29 taong gulang na si Vico Sotto naman ay kilalang anak ng beteranong aktor, komedyante, at host na si Vic Sotto at isa pang kilalang aktres na si Coney Reyes. Siya ang tumuldok sa halos 27 taong panunungkulan ng mga Eusebio sa siyudad ng Pasig.


Pumukaw naman sa atensyon ng publiko ang mga throwback photo nila noong sila ay mga bata pa na ibinahagi ng isang miyembro ng Facebook page na “Alaala ng mga Larawang Kupas” na nakilala bilang si Joel C. Buñag. Ang kaniyang post na mga larawan nina Isko Moreno at Vico Sotto ay nilagyan niya rin ng caption na “Ang mga bagong sibol na pinuno ng Bayan. The New Mayors of the New Millennials. #IskoMoreno = #Manila #VicoSotto = #Pasig Noon at Ngayon.”

Talaga namang kinagiliwan at pinangigilan ang cute na cute na larawan ng dalawang bagong halal na mga alkalde. Tunay ngang maituturing silang bagong sibol na mga alkalde ng bayan dahil sa sila ay mga bata pa kumpara sa mga dating nakaupo sa pwesto. Hindi na makapaghintay ang kanilang mga nasasakupan na matupad nila ang mga pangako nilang pagbabago at pag-asenso noong sila ay nangangampanya pa lamang. Tiyak na magiging malaking tulong din sa bayan ang kanilang mga plataporma at adhikain para sa ikauunlad ng kanilang bayan at mga taong nasasakupan.






error: Content is protected !!