Isang lalaki ang natuwa sa kanyang aso dahil sa ginawa sa pustisong natagpuan sa bakuran



Marami sa atin ang mahilig mag-alaga ng aso. Tunay nga na “Man’s Bestfriend” ang mga aso. May mga iba na itinuturing na kapamilya na ang mga asong alaga. Minsan pa ay todo asikaso sa mga pangangailangan ng mga alagang aso.


Hindi rin biro ang pag-alaga ng aso lalo na kung may ‘breed’ ito. Pero para sa iba na nagaalaga ng mga askal, ang ibang tao ay mga tirang pagkain lamang ang binibigay. Gayon pa man, basta naramdaman ng mga alagang aso ang kalinga at pagmamahal, mararamdaman na lang ang lambing nila para sa inyo.




Minsan pag tayo ay umuwi ng bahay, kalimitan ay hinahanap natin ang mga alaga nating aso. Kung ano ang ginagawa nila at upang makipag-kulitan.


Isang kakaibang eksena naman ang ibinahagi ng isang lalaking may alagang aso. Sa paguwi ng lalaking nagngangalang Lucas Alves Magalhaes sa kanilang bahay, hinanap niya ang kanyang aso na may pangalang Pandora. Napansin niyang ito ay nasa bakuran at tila ba naglalaro at may binubungkal sa lupa.


Sa pagtataka ay lumapit ang amo at tinignan, noong una ay tinawag niya ito at inangat. Laking gulat niya kung ano ang nakita niya na labis niyang ikinatuwa.

Ayon kay Lucas:
“I couldn’t see what it was, so I called her in. When I lifted her head, I almost d!e from laughing.”


Tuwang-tuwa si Lucas sa nakita niya sa kanyang aso. Sa labis na kasiyahan ay nakuhaan niya ng litrato bago tanggalin ito. Alam naman ni Lucas na walang nagmamay-ari ng natagpuang pustiso kaya itatapon na niya ito. Marahil ito ay pagmamay-ari ng mga matatandang dating nakatira sa bahay nila.


Ayon pa kay Lucas:
“They may have changed their dentures and b*ried this one in the backyard. There’s no other explanation because I know it’s not ours,”



Nakakatuwang isipin na kayang isuot ng aso ang pustiso na natagpuan niya. Marahil ay may mga pagkakataon talaga na mapapasaya tayo ng mga alaga nating mga hayop.




error: Content is protected !!