Isinantabi niya ang kaniyang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral upang suportahan muna ang pag-aaral ng kaniyang mga kapatid!



Nagparaya siya, isinantabi muna ang kaniyang pangarap at hinayaan na ang mga kapatid muna niya ang magtapos ng kanilang pag-aaral. Kung kaya naman si Ghel Martinez ay umani ng napakaraming papuri mula sa mga tao dahil sa kaniyang ginawa.



Ibinahagi ni Ghel sa kaniyang social media post ang larawan nila ng kaniyang kapatid kung saan sinamahan niya rin ito ng caption na “Hindi nakatapos pero nakapagpatapos.” Kasama niya sa nasabing larawan ang kaniyang kapatid na magtatapos sa kursong BS Architecture noong nakaraang taon at isa pa niyang kapatid na nagtapos naman bilang Cum Laude sa kursong BS Accountancy.

Sa murang edad niya ay namulat na siya sa kahirapan ng kanilang pamilya kung saan ang kaniyang ama ay walang permanenteng trabaho habang ang kanilang ina ay nag-aalaga sa kanilang magkakapatid at nag-aasikaso ng kanilang munting tahanan. Siya ang panganay sa anim na magkakapatid at nasa elementarya pa lamang siya noon nang siya ay gumagawa ng sarili niyang paraan upang kumita at magkaroon na sariling pera na makakatulong sa kanilang pamilya. Madalas na nagbebenta siya ng kung ano-anong mga produkto.

Tomboy siya kung tawagin ng iba, ngunit hindi ito naging hadlang upang pangarapin niya rin na makapagtapos ng kursong BS Criminology upang maging isang pulis o sundalo. Dito ay matitiyak niyang masusuportahan niya ang pangangailangan at pag-aaral ng kaniyang pamilya. Ngunit ang buhay ay mayroon pa lang ibang plano para sa kaniya.




Dahil batid niya na hindi siya kayang suportahan ng mga magulang sa kolehiyo ay agad na siyang naghanap ng trabaho upang mapag-aral ang sarili. Sa halagang P2,400 na kinikita niya bilang isang service crew ay pinagsasabay niya ang pag-aaral at pagtatrabaho. Hindi man siya nakapagtapos ng kolehiyo ay sinisigurado niya naman na hindi mararanasan ng kaniyang mga kapatid ang hirap na kaniyang naranasan noon. Dahil siya ay mananatiling nakasuporta sa kaniyang kapatid lalo’t higit sa kaniyang pamilya. Isa siyang tunay na huwaran at inspirasyon sa maraming mga anak hindi lamang sa Pinas kung hindi sa buong panig ng mundo.




error: Content is protected !!