Praktikal na ina dinepensahan ang sarili mula sa mga mapanghusgang tao na nagsasabing nakakahiya ang paghingi niya ng gatas at diaper para sa birthday ng anak!



Natural na marahil sa maraming mga ina ang unahin ang pangangailangan ng kaniyang anak bago ang kaniyanf sariling pangangailangan o bago ang ano pa man. Palagi siyang nag-iisip ng mga bagay na mas makabubuti para sa kaniyang mga anak.


Kagaya na lamang ng isang nanay na ito na siniguro na ang mga pangunahing pangangailangan ng kaniyang anak kasabay na rin ng pagdiriwang niya ng ikalawang taong kaarawan nito. Kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa Facebook ang ginawa ng isang praktikal na ina na kilala bilang si Mae Mhella na mas piniling humiling ng mga gatas at diaper bilang regalo sa kaarawan ng kaniyang anak kaysa mga laruan, sapatos o mga damit.




Nagpahayag na ang ina ng kaniyang komento patungkol sa mga tao na humuhusga sa kaniya at nagmamasama ng kaniyang ginawang kahilingan para sa mga malalapit nilang kamag-anak at kaibigan na dumalo sa kaarawan ng kaniyang anak. Ang kaniyang anak na si Nathalie Briella ay nagdiwang ng kaniyang ikalawang taong kaarawan noong nakaraang linggo at ipinaghanda ito ng kaniyang mga magulang ng simpleng selebrasyon kasama ang kanilang mga malalapit na kamag-anak at kaibigan.

Bago pa ang espesyal na araw na iyon ay nagbahagi ang ina niyang si Mhae ng imbitasyon sa kaniyang social media account kasama ang hiling na sa halip na mga laruan o damit ang iregalo sa anak ay gatas na lamang at diaper na nakasaad na mismo ang brand at size.



Tinupad naman ito ng mga mahal nila sa buhay at talaga namang tuwang-tuwa ang pamilya ng bata na nagdiwang ng kaarawan. Ayon pa sa ina maaaring maging negatibo ang tingin ng ibang mga ina at ng publiko sa kaniya ngunit paglilinaw niya ay naging praktikal lamang siya sa kaniyang ginawa at talaga namang hindi niya iyon pinagsisihan dahil kahit pa medyo naubos ang budge nila sa paghahanda sa ikalawang taong kaarawan ng anak ay makakasigurado siyang mayroon nang magagamit na diaper at gatas an kaniyang anak sa mga susunod na araw.




error: Content is protected !!