Throwback photo ng masayang pamilya nina FPJ, Susan Roces at Grace Poe ikinatuwa ng publiko!



Isang larawan ng masayang pamilya ni Da King Fernando Poe Jr., Susan at Roces at anak nilang si Senadora Grace Poe ang kinagigiliwan ngayon ng maraming mga netizens. Buhay na buhay sa masayang larawan ang namayapang si Da King o kilala din bilang si Fernando Poe Jr. Kasama ng Action King FPJ ang napakaganda at napakahinhin na misis niyang si Susan Roces habang karga niya ang noon ay musmos pa na si Senadora Grace Poe.



Ito ay ibinahagi ng isang netizen na nakilala bilang si Chit S. Gee sa kaniyang social media account. Talaga namang maraming mga Pilipino ang tila nagbalik sa kanilang kapanahunan na kasikatan ng idolo ng marami na si FPJ. Narito ang komento ng ilang mga netizens patungkol sa larawan ng pamilya Poe:

“Napakapogi talaga ni FPJ. Miss you, idol!” komento ng ni PR.


“Ma’am, ganda mo. Si Sir pogi. Ma’am, lagi kang maging masigla at ngumiti para kay Grace kasi need ka niya. I love you, Ma’am Grace. Lagi kang tumulong sa mahihirap,” saad ni FC.

“Dalagang Pilipina talaga ang ganda ni Ms. Susan Roces,” pahayag naman ni CV.


“Ang ganda ng kuha. Mabuti’t nailagay sa FB. Ang ganda ni Susan Roces na hanggang ngayon hindi kumukupas ang ganda,” komento ni VG.



“Alam na alam ko mahal na mahal ng mag-asawang Poe si Grace kasi dalaga pa ako nakakapasok na sa house nila sa San Juan. Ngayon, may asawa na, nagkaapo na ako. Hindi matatawaran ang pag-aaruga ng Kumareng Susan ko kay Senator Grace Poe,” pagbabahagi naman ni AG.

Ang larawang ito ay ibinahagi mismo ng anak ng mga batikang artista na sina Fernando Poe Jr. at Susan Roces na si Grace Poe sa kaniyang sariling social media account para sa kaniyang #ThrowbackThursday picture na umani na ng higit sa 40,000 na mga reaksyon mula sa publiko.




error: Content is protected !!