Cebu Pacific mayroong ibinibigay na “Study Now, Pay Later” para sa mga nagnanais maging isang piloto!



Isa ka ba sa maraming mga kabataang Pilipino na ngangarap at nagnanais makapagtrabaho bilang isang piloto sa isang kilalang airline company? Ngunit sa kabila ng iyong pangarap at pagnanais na makapagtapos ng ganitong kurso ay wala kang magawa dahil sa hindi mo kaya ang pinansyal na pangangailangan ng kurso na ito? Isang napakagandang balita ang inanunsyo ng isang kilalang airline company sa ating bansa kung saan magbibigay sila ng oportunidad at ng pagkakataon para sa mga nais maging piloto na makapag-aral at makatapos sa pamamagitan ng kanilang “Study Now, Pay Later” na programa.


Kamakailan lamang ay ibinalita ng Cebu Pacific ang labing-anim na bakanteng pwesto para sa mga nagnanais na maging piloto para sa kanilang “Study Now, Pay Later-Zero Interest” training programa. Ayon pa sa isa sa pinakanangungunang carrier sa bansa, ang mga kandidato na magtatagumpay at mapipili ay ipapadala sa bansang Australia upang doon ay lumahok sila sa pagsasanay sa prestihiyosong Flight Training Adelaide (FTA) Campus.




Ilan sa mga kwalipikasyon ng nasabing programa ay ang pagiging isang Filipino citizen na marunong magsalita ng Ingles. Dapat din na mayroong siyang average grade na hindi bababa sa 80% o ang katumbas nitong grado sa mga asignaturang may kaugnayan sa Matematika, Ingles, at Physics.


Ang mga aplikante na makakapasa sa online pre-screening test ay magpapatuloy sa susunod na yugto ng proseso, ito ay ilang mga interview, computer skills examination, medical and psychological tests, at English fluency test. Walang application fee ang programa na ito ngunit kapag nakapili na ng 16 na matagumpay na mga kandidato ay kakailanganin nila na sumailalim sa isang “on-site screening and core skill” at “pilot aptitude test na mayroong kabuuang bayad na P19,000.





Sagot ng Cebu Pacific ang buong pilot training ng mga mapipiling iskolar at ang mga makakakumpleto ng pagsasanay ay mayroon nang paniguradong trabaho sa nasabing airline pagkatapos ng nasabing training. Ang halaga ng training program na ito ay ibabawas sa buwanang sahod sa loob ng 10 taon ng walang kahit anong interest.






error: Content is protected !!