Sinurpresa ni Coco Martin kasama ang cast ng ‘Ang Probinsyano’ sa kaarawan ni Yassi Pressman



Ang pagdiwang ng kaarawan ay isa sa pinaka-mahalagang araw kung saan inaalala natin ang araw ng ating kapanganakan. Isang biyaya ang pagkakaroon ng buhay na dapat pahalagahan. Ito rin ang araw kung saan naaalala natin ang hirap ng ating ina upang ma-isilang tayo sa mundo.


Masaya sa pakiramdam ang pagdiwang ng kaarawan kung kasama natin ang mga mahal natin sa buhay. Pero minsan, tayo rin ay natutuwa kung tayo ay nasusurpresa ng ating mga kaibigan o katrabaho. Kapag tayo ay nasusurpresa, nararamdaman natin na tayo ay mahalaga at may importansya.




May mga pagkakataon ding tayo ay sinusurpresa ng ating mga minamahal na asawa o kasintahan. Sa pagkatuwa sa surpresa ay nakakaramdam din ng pagmamahal mula sa mga ginawa.
Marahil ito ang naramdaman ni Yassi Pressman noong siya ay nasurpresa ni Coco Martin kasama ang ibang cast ng ‘Ang Probinsyano’. Sa larawan na ibinahagi sa Instagram, makikita na may hawak si Coco Martin na Birthday Cake habang makikita rin ang masayang mukha ni Yassi Pressman.


Habang nasa set ang mga cast ng ‘Ang Probinsyano’, sinurpresa si Yassi Pressman sa kanyang advance Birthday na pagdiriwang. Habang hawak ni Coco Martin ang cake ay kinakantahan si Yassi ng ‘Birthday Song’.


Mapapansin din ang video na ibinahagi ng manager ni Yassi Pressman na si Elle Tagaca ang ilan sa mga kasamahan nila sa trabaho pati na rin ang naka-sulat sa cake na “Happy birthday Alyana! Love, Cardo.”

Marami ang nagsasabi na magka-relasyon daw sina Coco at Yassi ngunit ito naman ay itinatanggi ng dalawa. Bagamat matagal na silang magkasama sa teleseryeng ito, may ilan ding nagsasabi na ito ang naging dahilan kung bakit hindi na nagka-ayos sina Coco Martin at Julia Montes.



Siguradong naging masaya si Yassi Pressman dahil ipinagdiwang niya ito sa El Nido Palawan kasama ang kanyang pamilya. Maligayang Kaarawan sa iyo Yassi Pressman!




error: Content is protected !!