Ang batang lalaki noon na nag-aaral sa labas ng isang McDonalds outlet mayroon nang mas magandang buhay ngayon!



Naaalala nyo pa ba ang batang lalaki noon na naging viral ang larawan habang nag-aaral sa ilalim ng ilawan ng isang McDonalds outlet sa Cebu? Noong 2015, isang siyam na taong gulang na batang lalaki na nakilala bilang si Daniel Cabrera ang nagpamangha at nagpabilib sa maraming netizen dahil sa kaniyang larawan na nagpapakita ng matinding determinasyon na makapag-aral sa kabila ng mahirap nilang kalagayan.


Ang nasabing larawan ay kuha ng isang estudyante mula sa Cebu Doctor’s University (CDU) sa Mandaue City Campus na nakilala bilang si Joyce Torrefranca. Ang ina ni Daniel na isa Maria Christina Espinosa ay isa nang balo na nag-aalaga ng tatlong niyang anak habang nagbabantay ng isang food stall sa gabi at sa umaga naman ay isang labandera. P60 isang araw lamang ang kaniyang kinikita sa mga trabaho niyang ito kung kaya naman wala silang sapat na salapi upang makahanap o makapagrenta ng maayos na matutuluyan.



“Sadyang mahirap ang walang asawa na magiging katuwang mo sa pagtataguyod ng iyong pamilya. Sa isang araw ay dalawang beses lamang kami kumakain. Minsan pa nga ay naghihintay ako ng magpapalaba sa akin.” ito ang pahayag ng ina sa Cebu Daily News.

Tuwing gabi ay natutulog na lamang sila sa isang food stall malapit sa McDonalds outlet kung saan nakuhanan ng larawan ang batang lalaki. Naglalatag na lamang ang ina ng karton sa sahig at magpapalibot ng mga silya upang maprotektahan sila sa mga ligaw na hayup. Nasa ikatlong baitang pa lamang si Daniel noon sa Subangdaku Elementary. Madalas siyang nagtutungo sa McDonald’s outlet sa North Reclamation Area kung saan nakikigamit siya ng ilaw mula dito upang matapos ang kaniyang mga takdang-aralin at makapag-aral ng kaniyang leksyon.



Matapos maging viral ng larawan na ito ay mayroong tumulong sa pamilya at nabigyan si Daniel ng iskolarsyip kasama na ang P1,500 niyang allowance buwan buwan mula sa McDonald’s Cebu branch. Mayroon ding nagbigay sa kanila ng P3,000 cash donation para sa matitirhan nilang kwarto at nabigay din sila ng pinansyal na tulong para sa kanilang maliit na tindahan.




error: Content is protected !!