Categories: Viral

Ibinahagi ni Jinkee Pacquiao ang pagsuot nila ng kulay pink sa dinaluhang kasal

Ang kilalang asawa ng ‘Pambansang Kamao’ na si Jinkee Pacquiao ay sinusubaybayan ng maraming tao dahil na din sa kanyang pagiging ‘fashionista’.


Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan si Jinkee Pacquiao sa kanyang Instagram account ng kanilang ‘Outfit of the Day” (OOTD). Suot ang mga kulay pink na kasuotan, sila ay dumalo sa kasal ng pamangkin ni Jinkee.


Mapapansin na lumutang ang taglay na kagandahan ni Jinkee sa kanyang kasuotan. Ibinahagi ni Jinkee ang ilan sa mga litrato kasama ang kanyang mga anak. Pati din ang mga anak na babae ay nakasuot na pink at mga lalaki naman ay nakasuot ng pink na long-sleeves at naka-suot ng puting pantalon.


Sa mga litratong ibinahagi ni Jinkee Pacquiao, makikita na binata at dalaga na ang mga anak nila Jinkee Pacquiao at Manny Pacquiao. Sa litrato ay makikita sina Princess, Jimuel, Queenie, Michael, at Jinkee.


Ito ang sinabi ni Jinkee Pacquiao sa kanyang post:
“Make every moment count. My greatest treasure on earth. My precious family. Thank you Lord for giving them to me!”


Ang litratong ito ay umani ng maraming reaksyon sa mga netizens na nakikita at karaniwan sa mga sinasabi ay papuri dahil magaganda at guwapo ang mga anak niya.

May litrato rin si Jinkee Pacquiao sa may tabing-dagat habang siya ay may hawak ng bulaklak. Para ba siyang isang diwata sa kanyang itsura.

Ito ang naging caption ng kanyang larawan:
“Sense of Peace. Let the peace of Christ rule”.

May ibinhagi ding larawan kung saan ay pinag-gitnaan siya ng kanyang dalawang binatang anak. Si Jimuel ang nasa kaliwa at ang nasa kanan naman ay si Michael. Si Jinkee naman ay may hawak na bulaklak at sila ay malapit din sa dagat.


Isang pinagpalang pamilya talaga ang pamilyang Pacquiao. Alam na ng maraming tao ang naging istorya ng buhay ni Manny Pacquiao. Mula sa hirap ay isa na siyang matagumpay na tao at kasama sa bawat tagumpay niya ay ang kanyang pamilya.

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago