Isang inspirasyon ang kwento ng mag-asawang ito! Mula sa pagiging mahirap, ngayon ay nagmamay-ari ng kumpanya!



Sa hirap ng buhay, may mga ilang tao na napapanghinaan na ng loob. May iba na lumalaki na masyado ang utang at hindi na nakakabayad. May mga ibang tao din na sa sobrang hirap ng buhay ay nagtitiis sa kung ano na lang pwedeng kainin. Nasubukan niyo na bang puro noodles lang ang ulam? Kumain ng asin lang ang ulam? Pero kahit anong hirap ng buhay, kailangan itong kayanin at lampasan! Dahil ang buhay ay isang biyaya.


Kaya naman natutuwa tayong makarinig ng mga kwento ng mula sa hirap ay naging matagumpay sa buhay. Ilan sa kwentong ito ay katulad na lamang ng kwento ng ating ‘Pambansang Kamao’ na si Manny Pacquiao. Pero mayroong isang kwento ng mag-asawa na sa kabila ng kanilang naranasang problema, sila ay nagpursige sa buhay at sa kabutihang palad sila ay nagtagumpay.




Ito ay ang kwento ng mag-asawang George Anas Jr. at Charmilyn Anas. Ibinahagi nila ang kanilang kwento sa Facebook patungkol sa istorya ng kanilang tagumpay.

Limang taon ang nakalipas, sila ay may pinagdaanan na mahirap. Pero bilang mag-asawa, naging sandalan nila ang bawat isa. Dati daw ay karaniwan na kinakain lamang ay Corned Beef at Pancit Canton na alam nating hindi maganda sa ating katawan.



Ayon sa post:
“She used to depend on a corned beef value pack worth Php7.00 as an employee earning minimum wage while I depended on pancit canton as an unemployed to survive the week.”

Si Chin ay isang empleyado na kumikita lamang ng minimum wage. Upang maka-salba sa pangaraw-araw, kadalasan sa kanyang baon ay corned beef na may halagang ₱7 na value pack. Inalala din ni George na siya ay walang trabaho dati kaya pancit canton lang ang madalas niyang pagkain.



Pero gumawa ng paraan si George upang kumita, siya ay nagtinda ng hotdogs, pizza rolls, at iba pang paninda upang may panggastos. Hindi niya pinansin ang mga sinasabi ng ibang tao dahil para sa kanya ay marangal ang kanyang ginagawa.

Ayon sa kanya:
“I sold siomai, pizza roll, hotdog bun, etc. for a living while finding a decent job. People were laughing but we didn’t really care.”




Naging sandalan ang bawat isa, ang mag-asawang ito ay nagtulungan upang guminhawa ang kanilang buhay. Sila ay nagtagumpay. Ngayon ay maginhawa na ang kanilang buhay at mayroong Mercedes na kotse. Bukod pa dito ay biniyayaan din sila ng isang anak na babae.


Ngayon ay may sila ay nagmamay-ari ng isang kumpanya na ang tawag ay Suretrust Group na established noong 2015.




error: Content is protected !!