Categories: Viral

Isang matandang babae ang nakitang walang buhay sa kanilang tahanan matapos nitong maghanda ng mga pagkain para sa anak!

Kamakailan lamang ay ipinagdiwang nga sa ating bansa ang Araw ng mga Ina o ang Mother’s Day upang magbigay ng pasasalamat at parangal sa maraming ina ng tahanan. Ito ay isang pagdiriwang na idinaraos sa iba’t-ibang panig ng mundo, bagamat iba-iba ang paraan ng padiriwang nito at petsa na pagdaraos ngunit karamihan naman ng bansa ay tuwing ikalawang linggo ng Mayo ito pinagdiriwang.


Marami nga sa mga ina ang labis na nasiyahan, nagulat at napasaya ng kani-kanilang pamilya sa mga sorpresa at mumunting regalo. Ngunit hindi lahat ng ina ay nakaranas ng ganitong uri ng pag-alala sa araw ng mga ina.


Ayon sa ilan ulat, mayroong isang matandang babae na mag-isang nakatira sa kaniyang tahanan dahil sa ang kaniyang anak ay nagtatrabaho na sa malayong lugar. Nagulat na lamang ang kaniyang mga kapitbahay nang mayroong masangsang na amoy silang napansin sa bahay ng matanda kung kaya naman agad nilang inalerto ang mga may otoridad. Agad namang rumisponde ang mga pulis at bumbero at nakita nga nila ang wala nang buhay na katawan ng matanda. Laking pagtataka nila na mayroong maraming pagkain na nakahanda sa hapag kainan na tila mayroon siyang hinihintay na darating upang pagsaluhan ang kaniyang hinandang pagkain.


Kalaunan ay nahanap din ng mga otoridad ang pamilya at kamag-anak ng namayapang matanda. Napag-alaman ng pulisya na ipinaghanda pala ng matanda ang kaniyang anak na lalaki sa pag-aakalang makakadalaw ito sa kaniyang tahanan sa pagdiriwang ng Mother’s Day kung kaya naman agad siyang naghanda at nagluto ng mga paborito nitong pagkain.


Labis na kalungkutan, pagsisisi at panlulumo naman ang naramdaman ng anak dahil sa pagpanaw ng kaniyang mahal na ina. Mas inuna niya ang kaniyang trabaho sa halip na maglaan ng oras at dalawin ang kaniyang ina na naghihintay sa kaniyang minsanang pagdalaw. Nakakalungkot man isipin ngunit marami sa atin ang tila nagiging masyado nang abala sa ating mga trabaho o sariling pamilya na nakakalimutan na nating mayroon din tayong mga magulang na naghihintay at umaasa na minsan ay maalala at dalawin natin sila.

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago