Labing-siyam na taong gulang na dalaga hihirangin bilang pinakabatang doktor sa Malaysia!



Marami sa ating mga Pilipino ang may labis na pagpapahalaga lalo na sa edukasyon. Namulat tayo sa pamilyang malaki ang ibinibigay na importansiya sa pag-aaral. Maging ang mga magulang, isa lamang ang pinakaminimithi sa buhay, ang mapagtapos ng kolehiyo ang kanilang mga anak upang masiguro ang kinabukasan ng kanilang mga anak.


Kung kaya naman marami ang nagulat sa viral na post patungkol sa isang 19 na taong gulang na dalaga na hihirangin bilang pinakabatang doktor sa Malaysia. Ang kaniyang pangalan ay Chan Hao Shan, siya ay isanh estudyanteng malapit nang magtapos ng kursong Bachelor of Medicine, Bachelor of Surgery sa Taylor University. Sa murang edad ay nakakagulat na sa nalalapit niyang pagtatapos ay siya na ang magiging pinakabata na doktor sa kanilang bansa.




Ngunit paano nga ba naging posible ito para sa 19 na taong gulang na kabataang gaya niya? Noong bata pa lamang siya ay mahilig na talaga siyang magbasa. Mayroon pa ngang napakalaking silid-aklatan sa kanilang tahanan na halos karamihan sa mga libro ay personal niyang pinili noong bata pa siya. Mga libre patungkol sa Harry Potter at The Hunger Games ang ilan sa mga pinakapaborito niyang libro.


Nagkaroon ng malalang karamdaman ang kaniyang ina noong siya ay nasa walong taong gulang pa lamang kung kaya maaga siyang naulila. Dahilan ito upang magkaroon siya ng interes sa paggana ng ating katawan. Naging kapansin-pansin sa kaniyang mga guro ang labis na husay at galing niya sa pag-aaral na higit pa sa dapat ay kakayahan lamang ng mga estudyante sa kaniyang edad kung kaya naman siya ay kinailangang itaas na sa mas mataas na antas ng pag-aaral.






Tatlong taon lamang siya nanatili sa Chinese Primary School sa Kuala Lumpur at matapos nito ay lumipat na siya sa isang International School kung saan siya ang pinakabatang estudyanteng magtatapos sa kanilang Graduation Ceremony. Sa ngayon ay kasalukuyan niyang ginagampanan ang kaniyang medical internship. Tiyak na nalalapit na ang kaniyang pagtatapos at ito na ang magiging simula ng kaniyang pangarap na maging isang doktor.





error: Content is protected !!