Mga larawan ng itsura ng kabataan ni Ion Perez! Hindi mo paniniwalaan na ito ang itsura niya dati!



Kilalanin natin si “Kuya Escort” na hinahangaan ngayon ng maraming tao. Si Ion Perez ay taga Concepcion, Tarlac. Siya ay ang 11th na anak ng isang yumaong jeepney drayber at nanay ng nagtitinda ng kakanin. 15 silang magkakapatid. May kwento na siya ay namamaltrato dahil sa liit ng pangangatawan.



Ito marahil ang naging dahilan upang magpursige siyang magpaganda ng katawan. Noong bata siya ay madalas niyang tulungan ang kanyang magulang sa pagtitinda sa palengke. Minsan ang diskarte niya sa pagtitinda ay paghubad ng kanyang pang-itaas upang panghatak ng mga mamimili dahil sa maganda niyang pangangatawan.


Bago pa man siyang bansagan na ‘Kuya Escort’, isa na siyang fashion model. Sa katunayan, napabilang na siya sa listahan ng Cosmopolitan Philippines. Isa din siya sa mga nanalo ng 2017 Misters of Filipinas pageant. Taong 2018 naman ay nanalo siya bilang Mister Universe Tourism at ito ang naging umpisa ng kanyang kasikatan.



Nakilala natin si Ion Perez sa sikat na noontime show sa ABS-CBN na “It’s Showtime” na isa sa sinusubaybayan ng maraming manunuod. Binansagan siyang “Kuya Escort” at madalas niyang nakaka-pareha ay si Ate Girl Jackque. May mga balitang kumakalat na siya ay may relasyon daw kay Vice Ganda dahil sa ilang larawan na nakikita ngunit hindi naman ito kinumpirma ng dalawang panig.


Pero marami ang nagulat sa ibinahagi ni Ion Perez sa mga larawan niya noong siya ay bata pa. Sa kanyang Instagram account ay ipinakita niya ang itsura niya na may hashtag na #INSPIRED #CHANGE. Maraming netizens ang nagulat at natuwa sa nakitang larawan ni Ion Perez. Mapapansin na matim dati si Ion Perez, maliit ang katawan, at may sungki na ipin. May ilan ding pumuri sa naging pagbabago ng kanyang itsura. Marahil ito ay pwedeng maging inspirasyon sa ibang tao. Ang pagpupursige at tiwala sa sarili ang susi para sa tagumpay ng buhay.