Larawan ng Panginoong Hesus na nabuo sa pamamagitan ng liwanag sa ulap, nakuhanan ng taga-Argentina



Dahil madali na para sa atin ang kumuha ng mga litrato dahil sa mga cellphones o gadget, halos lahat ng mga kakaibang bagay ay nakukuhanan natin ng litrato at nababahagi ito sa social media. Ang ibang mga nakukuhang mga litrato ay binibigyan din ng mga ibig sabihin. May mga pagkakataon din na may mga imahe tayong nakikita sa mga ukit sa puno o pader, larawang nabubuo sa mga hugis ng ulap, imahe na nabubuo sa lupa o buhangin, sa mga patak na nabubuo ng nalusaw na kandila, atpb. Karaniwan sa mga ito ay binibigyan ng iba ng kahulugan.


Katulad na lamang ng larawan na ito na tunay na nakaka-mangha na kaugnay ang ating pananampalataya. Kamakailan lamang ay may nakuhanan ng litrato ng imahe ng Panginoong Hesus sa pamamagitan ng liwanag na nabuo sa mga ulap. Isang residente ng San Salvador de Jejuy, Argentina ang nakuhanan ang imaheng ito ni Hesukristo na tila bang naka-liyad ang dalawang kamay at may mahabang kasuotan.



Si Mónica Aramayo ang kumuha ng litrato ng siya ay napatingin sa langit. Sa pagtingin niya ay tila ba ang Panginoong Hesukristo ay nagbibigay ng pagpapala sa itsura. Mapapansin din na parang may suot na korona ang Panginoong Hesukristo. Agad kinuhanan ng litrato dahil pinaniniwalaan ni Aramayo na ito ay mensahe mula sa ating Panginoon. Isang mensahe na magkaroon ng kapayapaan sa mundo.

May ilan na nagsasabi na kahawig nito ang malaking estatwa sa taas ng bundok ng Corcovado sa Rio de Janeiro, Brazil na tinatawag na ‘Christ the Redeemer’. Ito ay matatagpuan sa layo na 3,000 km mula sa pinagkuhanan ng litrato.


Marami ang naniniwala na ito ay imahe ng Panginoong Hesus, pero mayroon namang iba na sinasabi na ito ay liwanag lamang na tumagos sa ulap. May nagsabi naman na gawa-gawa lamang ito.
Pero sinabi ni Aramayo na ang imaheng nakuhanan niya ay hindi gawa-gawa lamang.




error: Content is protected !!