Marami ang namangha sa bagong look na ito ni Yen Santos!



Marami sa ating mga Pilipino ang labis na humahanga sa ating mga iniidolo sa telebisyon lalo na sa kanilang husay at galing sa napili nilang mga larangan. Maaaring magaling sila sa pagkanta, pagsayaw o sa pag-arte. Ngunit mayroon din namang ilan sa atin ang humahanga sa mga paniniwala at pananaw nila sa buhay. Maging sa kanilang mga kasuotan, accessories sa katawan, gamit sa bahay, o maging mga sasakyan. Kahit pa nga make-up o hairstyle nila ay hindi natin pinapalampas. Kung kaya naman marami ang nasorpresa sa mga larawang ibinahagi ng “Halik star” na si Yen.


Walang duda na si Yen Santos ang isa sa pinakahinahangaang aktres ng kaniyang henerasyon. Naging usap-usapan na siya mula nang mapabilib niya ang marami sa natatangi niyang pagganap sa “Halik” bilang si Jacky. Ngayon, kahit pa nga tapos na ang nasabing palabas ay marami pa rin ang gandang ganda at labis na humahanga sa aktres.




Maraming mga tao ang nasanay na sa simple ngunit eleganteng pananamit at personalidad ni Yen Santos bilang si Jacky sa palabas na “Halik” ng ABS-CBN. Hinangaan ng marami ang kaniyang mga kasuotan na bagay na bagay sa kaniya at maging ang istilo ng kaniyang buhok na pinaiksi na lamang sa pagtatapos ng programa. At dahil nga tapos na ang kanilang programa, malaya na siyang gawin ang nais niyang gawin sa kaniyang pananamit lalo at higit sa kaniyang buhok.


Kamakailan nga lamang ay ginulat niya ang marami dahil sa kaniyang bagong itsura. Ang 26 na taong gulang na aktres ay muling pinamangha ang kaniyang mga tagahanga sa kaniyang “new hairdo”. Ang dating simple at itim niyang buhok, ngayon ay kulay abo na at pinalagyan pa niya ito ng “bangs”. Narito ang ilan sa mga pahayag ng kaniyang mga tagahanga sa bago niyang itsura:
“Walang kupas ang ganda mo. Kahit anong gupit bagay talaga kay Yen kasi fresh look siya lagi. For sure pagkatapos nila makita ang haircut ni Yen, marami na namang gustong gumaya sa kanya!”







error: Content is protected !!