Nagbahagi ang netizen na ito ng mga nakamamanghang larawan ng Batanes kung saan niya natagpuan ang tunay na kaligayahan!



Hindi na lingid sa ating kaalaman ang maraming mga rason kung bakit madalas na dayuhin ng mga lokal at banyagang dayuhan ang ating bansa. Marami ang talaga namang namamangha sa ating kultura, sa pagiging magiliw ng mga tao, masasarap na mga pagkain, at higit sa lahat ang mga tanawin sa itaas at sa ilalim ng karagatan na tanging dito lamang makikita at mararanasan sa Pilipinas.


Ang Batanes ay kilala rin bilang “Home of the Winds” na madalas na dinadayo ng maraming mga dayuhan at lokal dito sa ating bansa. Tiyak na Batanes ang isa sa mga magagandang tanawin dito aa Pilipinas na hindi mo dapat palampasin at dapat mo talagang mapuntahan at maranasan. Talaga namang hindi mo mailalarawan ng mga salita ang kaakit-akit at makapigil hiningang ganda nito. Isang netizen na nagngangalang Mark Roa ang nagbahagi ng mga naggagandahang larawan na ito ng Batanes.




Base sa kaniyang social media post ay talaga namang natagpuan na niyang muli ang kaniyang kaligayahan nang mabigyan siya ng pagkakataong mabisita ang probinsiya ng Batanes. Hindi mo nga talaga mararamdaman na ikaw ay malungkot kung pupunta ka sa lugar na ito at makikita mo ang ganda nito na talaga namang nakakabighani.


Ang Batanes ay isang arkipelagong probinsya na matatagpuan sa bandang hilagang bahagi ng Pilipinas. Kilala rin ito bilang may pinakamaliit na sukat ng lupa at pinakamaliit na bilang ng populasyon sa bansa.


Ilan sa mga hindi mo dapat palampasin sa Batanes ay anf Radar Tukon, isang parola na ginamit bilang “weather station” ng Estados Unidos noon, ang lumang estasyon ng Loran, isang converted museum o ang “Ruins of Songsong”, isang “ghost barangay” na inabanduna at wala nang bubong na mga bahay na bato matapos na wasakin ng t$unami o tidal wave na sumalanta sa isla mg Batan noong 1950s., Kanyuyan Beach and Port, Idjangs, isang hugis tatsulok na kastilyo na gawa sa kahoy at apog, at ang “Fundacion Pacita”.