Sila ang mga sikat na personalidad na itinaguyod ng solong magulang



Ang mga magulang ang nagsisilbing gabay sa ating buhay. Noong tayo ay bata pa lamang, sila ang nagaalaga at nagtuturo sa atin ng mga mabubuting bagay. Utang din natin sa kanila kung bakit tayo ay nabubuhay sa mundo. Kaya nararapat lamang na sila ay parangalan at ipagmalaki.

Ngunit mayroong ibang magulang na nakakayanan na iwanan ang kanilang mga anak sa mga iba’t-ibang dahilan. Kaya mayroong mga ibang tao na lumalaki sa pagaaruga ng isang ‘solo-parent’. Ating kilalanin ang ilan sa mga sikat na personalidad na pinalaki ng ‘solo-parent’



Alden Richards


Kilala natin si Alden Richards sa bansag na ‘Pambansang Bae’. Si Alden ay mag-isang pinalaki ng kanyang ama na si Richard Faulkerson Sr. noong siya ay 16 taong gulang.


Angel Locsin


Ang napaka-gandang Kapamilya primetime queen na si Angel Locsin naman ay mag-isa ring pinalaki ng kanyang ama na si Angelo Colmenares.


Mikael Daez


Ang matipunong artista na si Mikael Daez ay pinalaki naman ng kanyang ina na si Monica Banzon Daez. Kahit na siyam silang magkakapatid ay naitaguyod niya ito at nabigyan ng magandang buhay.



Bianca Umali


Ang magandang si Bianca Umali na isang Kapuso na aktres ay lumaki naman sa piling ng kanyang Lola Vicky.

Marian Rivera


Lumaki din sa poder ng kanyang lola si Marian Rivera noong naghiwalay ang kanyang mga magulang. Ang pangalan ng lola ni Marian ay si Lola Fracisca.



Barack Obama


Ang kilalang dating presidente ng Estados Unidos na si Barack Obama ay lumaki naman sa poder ng kanyang ina na si Ann Durham sa tulong din ng kanyang Lolo at Lola.

Justin Bieber


Mag-isa namang pinalaki ng kanyang ina na si Pattie Mallette ang sikat na singer na si Justin Bieber.

Selena Gomez


Ang kilalang singer din na si Selena Gomez ay mag-isang itinaguyod ng kanyang ina.

Leonardo DiCaprio


Mag-isa ring pinalaki ng ina si Leonardo DiCaprio simula noong siya ay tatlong gulang pa lamang. Bilang parangal sa kanyang ina, tanging siya lamang ang babaeng bibigyan niya ng dyamante.




error: Content is protected !!