Andi Eigenmann masaya nang namumuhay sa Siargao at Baler matapos iwanan ang showbiz!



Bandang Oktubre nang lisanin ng aktres na si Andi Eigenmann ang industriya ng show business upang mas matutukan ang pagpapalaki sa kaniyang anak na si Ellie. Kitang-kita naman sa mga ibinabahagi niyang posts sa kaniyang social media account ang mga masasaya niyang larawan. Abala rin naman ang aktres sa kaniyang mga kampanya at adbokasiya sa pagtulong sa pagpapanatili ng kalikasan.


Lubos naman ang kasiyahan ni Andi Eigenmann sa simpleng buhay niya sa beach sa Siargao at Baler. Pag-amin naman ni Andi ay marami siyang natutunan na mga bagong bagay mula nang iwanan niya ang industriya. Sinabi niya rin noon sa panayam sa kaniya ng ABS-CBN na mas naging masaya ang kaniyang buhay ng nagsimula siyang manirahan ng mas simple.




Dagdag pa ng Camp Sawi Star na tumutulong na rin siya sa mga adbokasiya at kampanya para sa kalikasan. Gayundin ang pagpapalaganap ng kaalaman patungkol sa pagsasalba at pangangalaga ng mga karagatan at mapanatiling malinis ang ating kapaligiran.


Nagpaplano na rin siya na manirahan sa Siargao o Baler kasama ang kaniyang anak na si Ellie at nobyo nito na si Emilio Arambulo. Sa ngayon ay sinisimulan na nilang ipatayo ang kanilang tahanan. Narito ang pahayag ng aktres: “We go to Siargao all the time or Baler, where we are building our home with our own hands using sustainable materials. That’s my plan for the summer. We’ll use reused wood, or sustainable cement, using solar panels.”



Nang tinanong naman siya kung muli pa siyang babalik sa show business ay ito ang kaniyang naging pahayag:
“If there’s an opportunity and if I get hired for something that I really want to do, madali naman ayusin ‘yun e. But like what I said, I’ll take it day by day.”


Marami din naman ang natuwa at nagalak sa panibagong buhay na ito ng anak ng batikang aktres na si Jacklyn Jose. Sa ngayon nga ay nasasabik na rin silang masilayan ang bagong miyembro ng kanilang pamilya na pinagdadalang-tao niya ngayon.