Kinagiliwan ng marami ang contestant na ito sa Wowowin dahil sa wagas na pagmamahalan nilang mag-asawa sa kabila ng malaking agwat ng kanilang edad!



Ang sarap sa pakiramdam ng mayroong nagmamahal sa iyo at minamahal mo rin ito pabalik. Walang makakapantay na anumang halaga ng salapi o materyal na bagay sa wagas na pag-ibig na iyong matatagpuan. Ngunit sa panahon natin ngayon, maraming mga tao ang nagiging mapanghusga sa mga tao sa kanilang paligid.



Tulad na lamang ng isang contestant na ito sa Wowowin na talaga namang humipo sa puso ng maraming mga manunuod dahil sa edad na 13 ay nabuntis na siya nang noon ay 47 taong gulang na si Bert. Bagamat 34 na taon ang agwat ng kanilang edad ay hindi ito naging hadlang upang magkaroon sila ng masaya at kuntentong pamilya.


Sa ngayon ay 66 na taong gulang na si Bert, patuloy pa rin silang nagsusumikap ni Ghemz na maitaguyod ang tatlo nilang mga anak sa pamamagitan ng pangangalakal. Si Ghemz ay ikawalong asawa na ni Bert ngunit sinabi nito na siya na nga ang kaniyang “forever” na talaga namang nagpakilig sa maraming mga tagasubaybay ng programa at manunuod nito sa studio.


Makikita sa mag-asawa ang kanilang labis na pagmamahal sa isa’t-isa, bagamat hindi sila sagana sa salapi o materyal na bagay ay puno naman ng pagmamahalan ang kanilang pamilya.



Hindi rin naman naging hadlang kay Ghemz ang kaniyang edad upang hindi niya ipagpatuloy ang kaniyang naudlot na pag-aaral. Kahit pa sabay silang pumapasok sa paaralan ng kaniyang anak dahil siya ay isang “Senior Highschool Student” at ang kaniyang anak ay nasa ika-8 Baitang, natitiyaga silang makamit ang kanilang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral. Laking gulat din ng mga host na sina Michael V. at Willie Revillame na “consistent honor student” ang mag-ina.

Tunay ngang kamangha-mangha ang pamilya na ito. Sa kabila ng kanilang kahirapan at kakapusan sa pinansyal o sa karangyaan ay napakarami nilang naibahaging aral para sa ating lahat. Nakakatuwang malaman na mayroon pa rin talagang mga mas importanteng bagay sa mundo na hindi matutumbasan ng anumang halaga ng salapi.




error: Content is protected !!