Misis ni Ian Veneracion ibinahagi ang kaniyang dahilan kung bakit panatag siya na hindi magloloko ang mister!

Sadyang maraming mga magagandang lalaki at babae sa industriya ng show business. Marami ang mga Pilipinong nagnanais na mapansin ng kani-kanilang mga iniidolo. Ngunit hindi rin naman lingid sa ating kaalaman na mayroong mga sikat na artistang mas pinipili na mamuhay ng simple at makapangasawa ng isang simpleng tao na malayo sa industriya ng show business.


Isa na marahil sa pinakahinahangaan ng maraming mga Pilipino sa ngayon ay ang aktor na si Ian Veneracion, talaga namang napakakisig pa rin niya at batang-bata ang itsura sa edad na 44. Siya ay isang Spanish-Filipino na aktor, at mahilig rin sa iba’t-ibang sports. Dati na siyang aktor ng GMA network at sa kasalukuyan ay nasa ilalim na siya ng pamamahala ng ABS-CBN. Isa rin siyang pintor, piloto at mang-aawit.


Ang kaniyang ama ay isang kilalang pintor na si Roy Veneracion at ang kaniyang ina naman at si Susan Lopez-Veneracion. Kasal siya kay Pam Gallardo na isang industrial engineer at sila ay nabiyayaan ng tatlong mga anak. Kilala na siya bilang isang action star noon ngunit mas nakilala pa siya nito lamang 2015 nang naging maugong sa publiko ang tambalan nila ni Jodi Sta. Maria.


Ito nga ang naging simula ng mas marami pang proyekto para sa aktor. Ngunit hindi nga ba nagseselos ang misis niyang si Pam Gallardo sa dami ng mga magagandang babae na nakakatrabaho ng kaniyang mister sa industriyang kinabibilangan nito?


Sa halos 25 taon nilang pagsasama bilang mag-asawa laking pagmamalaki ni Ian na hindi ito naging selosa simula pa noon. At kung magselos man daw ito ay hindi nito ipinapakita sa kaniya at mas minamahal niya ang misis dahil dito. Dagdag pa ng aktor, nasanay na siya sa presensiya ng mga babae sa industriya ng show business kung kaya hindi na rin bago sa kaniya ang pakikisama o pakikihalubilo sa mga ito. Aminado din naman siya na lapitin talaga ng tukso ang kaniyang propesyon ngunit sa kabila nito ay maayos naman ang kaniyang pakikisalamuha sa mga ito.


Mayroon din silang construction business ng kaniyang misis at ang kaniyang misis rin ang humahawak ng kaniyang mga kinita sa showbiz. Pagbibiro pa ng aktor wala siyang budget para sa kabit at masaya siyang ang misis niya ay magaling humawak ng kanilang pananalapi at negosyo.



Reply

error: Content is protected !!