Isang mabait na lalaki ang nagsoli ng wallet sa may-ari at tumanggi pa sa pabuyang binibigay sa kanya



Kung sakaling ikaw ay maka-tagpo ng wallet na naglalaman ng maraming pera, atm, id, cards, isosoli mo pa ba ito sa may ari? Depende na rin siguro ito sa klase ng tao ng makaka-kuha. Pero ang tamang gawin ay isoli ito sa may-ari dahil sa oras na inangkin mo ito, para ka naring nagnakaw.


Kahit na gaano karami ang perang laman ng mapupulot, dapat lamang ay ibalik ito dahil hindi mo ito pagmamay-ari. Dahil ang mamuhay ng tapat ay mas lalong pinagpapala. Katulad na lamang ng isang taga-Malaysia na nagsoli ng napulot niyang wallet.




Isang lalaki ang nagbahagi ng kanyang karanasan sa pagkawala at pagsoli sa kanyang wallet. Ibinahagi ni Roberto Calleja sa Facebook ang kabutihan na ginawa sa kanya ng isang taga-Malaysia. Ang post na ito ay nag-viral sa Facebook at pinuri ang lalaking nagsoli.

Ayon sa post:
“All the necessary paperwork was done on the same day and I had my documents replaced right after the police report was lodged, which included ATM cards, my daughter’s registration card and driving license,


Sa pagkawala ng kanyang wallet, nireport niya ito kaagad sa kinauukulan. Pinabago niya rin lahat ng mga dokumentong kinakailangan maayos ng araw na iyon.

Laking gulat na lamang ng pagka-lipas ng isang araw, may lalaking tumawag sa kanya. Ito ay ang lalaking naka-tagpo ng kanyang wallet na nakagawa ng paraan upang malaman ang kanyang numero sa telepono.



Ito ang sinabi sa kanya sa telepono:
“Uncle, I have your wallet,”

Kaya agad nagkita ang dalawa upang mai-soli sa kanya ang wallet. Laking tuwa niya na lahat ng laman ng kanyang wallet ay nanduon pa. Walang nabawas! Mas ikinagulat pa niya ay ang nakapulot ng kanyang wallet ay isang taga-linis ng kalsada at taga-pulot ng basura. Sa labis na kaligayahan ay binibigyan niya ng pabuya ang naka-pulot ngunit tinanggihan ito. Natagpuan ng lalaki ang wallet ni Mr. Calleja ng siya ay naglilinis sa kalsada ng Putrajaya. Upang kahit papaano ay makabawi sa kabutihan ng lalaki, niyaya na lamang niya itong kumain.






error: Content is protected !!