Marami ang humanga at nainggit sa summer body na ito ng beauty queen at aktres na si Maxine Medina!



Isa sa pinakapinahahalagahan ng maraming tao ngayon lalo na ang mga kababaihan ay ang kanilang katawan at kalusugan. Marami din kasi ang mga kababaihan na tila napapabayaan na ang kanilang pangangatawan dahil sa hindi maayos at hindi malusog na lifestyle o di kaya naman ay dahil na rin sa mga pagkain o inumin na kanilang nakakahiligan at kinukunsumo araw-araw.


Di na nakapagtataka na mas marami ang mga kababaihan ngayon na humahanga sa mga kilalang personalidad, lalo na sa mga artista na talaga namang naiingatan at napapanatili ang hubog ng kanilang katawan. Isa na marahil dito ang beauty queen na si Maxine Medina. Talaga namang hindi nagpaawat ang beauty queen sa mga naggagandahan at hindi makapigil-hininga niyang mga larawan sa social media.




Kitang-kitang naman sa kaniyang mga pinopost na mga larawan ang napakagandang hubog at tindig ng dalaga. Sa katunayan ang naging usap-usapan ng publiko ang kaniyang mga larawan na nakasuot ng swimwear sa kaniyang naging bakasyon sa Solarena Resort kasama ang kaniyang kasintahan.


Bagamat marami ang nagkomento ng mga negatibo at hindi kaaya-ayang salita at pahayag tungkol sa kaniya ay mas marami pa rin naman ang mga taong sumusuporta at nagmamahal sa kaniya. Sa halip na husgahan siya ay talaga namang pinupuri ang kaniyang kompiyansa at pagmamahal sa kaniyang sarili, kalusugan, at pangagatawan.


Sa ngayon ay wala na ang mga negatibong komento sa larawan ng beauty queen at hindi na rin maaari pang magkomento rito. Sa kabila ng pangbabatikos at panghuhusga sa kaniya ng ilang mga tao ay hindi pa rin niya ito pinapatulan at mas hinahangaan siya ng maraming Pilipino dahil sa ugali niyang ito.


Si Maxine Medina ay nakilala noon nang siya ay nakoronahan bilang Binibining Pilipinas noong 2016 bagamat hindi siya nag-uwi ng korona ng Miss Universe ay nakabilang naman siya sa Top 6 ng ika-65 na Miss Universe pageant na ginanap sa Mall of Asia Arena.






error: Content is protected !!