Usap-usapan ngayon ng publiko ang pagpapahayag na ito ng saloobin ng isang OFW tungkol sa mga Pilipinong ang tingin sa kanila ay mayaman!



Sadyang natural na yata sa bawat pamilyang Pilipino ang magkaroon ng isang Overseas Filipino Worker (OFW) sa kanilang pamilya. Bagamat mahirap mawalay at nangulila sa mga mahal nila sa buhay ay tinitiis nila ang lahat ng ito para sa salapi na maaari nilang kitain para sa kanilang pamilya.


Kamakailan lamang ay naglabas ng kaniyang saloobin ang isang OFW na balikbayan patungkol sa mga kababayan nating Pilipino na sobrang demanding lalo na kung mayroon silang mga kamag-anak na OFW na babalik ng bansa o magbabakasyon.



Marahil ay naging kasanayan na ng iilan sa atin ang maghangad ng mga pasalubong mula sa kanila tulad na lamang ng tsokolate, sabon, shampoo, toothpaste, pabango, mga sapatos, mga damit at iba pa. At kung hindi tayo nabigyan o di kaya naman ay nakulangan tayo sa kanilang ibinigay ay mayroon pa rin tayong masasabi.


Ito marahil ang naging dahilan ni Raymond Lopez, isang OFW at administrative assistant sa isang ospital sa Riyadh. Laking gulat niya nang madatnan niya ang mga taong humihingi ng pasalubong sa kaniya. Naging usap-usapan kamakailan lamang ang kaniyang open letter sa kaniyang social media account.


Ayon kay Lopez, talaga namang nakakadala ang magbigay ng pasalubong sa iyong mga kamag-anak o kakilala lalo na kung galing ka sa ibang bansa. Bigyan mo man sila o hindi ay mayroon at mayroon pa din talaga silang masasabi sa iyo. Madalas din naman na nakasasama ng loob ang kanilang pag-aakala na marami kang pera na daladala sa tuwing uuwi ka sa iyong pamilya dito sa Pinas.



Tunay ngang hindi obligasyon ng mga OFW na ito na bigyan tayo ng mga pasalubong ngunit ginagawa pa rin nila ito upang maiparamdam sa atin na naalala nila tayo kahit papaano. Marahil ay dapat din nating maintindihan na umuwi sila sa kanilang pamilya upang makapahinga at kahit papaano ay makabawi sa mga taon ng kanilang pangungulila at saksripisyo sa ibayong dagat.




error: Content is protected !!