Aktres na si Julia Montes tinapos na ang kaniyang pananahimik sa social media!



Sa wakas ay tinapos na ni Julia Montes ang kaniyang matagal na pananahimik sa social media. Nagdesisyon na ang aktres na si Julia Montes na tapusin ang kaniyang panandaliang pamamahinga mula sa show business nang magbahagi siya ng kaniyang taos-pusong pasasalamat sa ABS-CBN.


Nagbahagi siya ng isang malaking logo ng nasabing network at poster ng kaniyang hit na palabas na “Mara Clara”, talaga namang lubos ang kaniyang pasasalamat sa Kapamilya network dahil sa tagumpay na kaniyang tinatamasa sa kaniyang karera.



Narito ang kaniyang naging pahayag sa kaniyang home network:
“Maraming Salamat po sa istasyong patuloy na tapat nagseserbisyo at nagpapasya sa ating mga Kapamilya saan ma’ng sulok ng mundo. Salamat din po na sa 65 years ay isa po ako sa binuo nyo ang mga pangarap. Maraming salamat sa lahat ng oportunidad na ibinigay ninyo sa akin para mapakita ang konti pong kakayahan kong binigay ng Diyos. Salamat pong muli KAPAMILYA.”


Ang kaniyang post ay agad na umani ng higit sa 83,000 likes, at binaha ng higit sa 2,500 na mga komento mula sa mga netizen, sa kaniyang mga tagasuporta at kaibigan. Sumagot naman ang kontrobersyal na aktres ng kumustahin siya ng aktres din na si Miles Ocampo at sinabi nito kung gaano niya ka-miss si Julia. Sinagot naman ito ng “kiss emoji” ng huli.






Ang child actress na si Julia Montes ay nabigyan ng mga pagkakataon para sa guest role at maitampok sa Goin’ Bulilit. Taong 2010 naman ng nagkaroon siya ng pinakapatok niyang palabas na pinamagatang “Mara Clara” kasama sina Kathryn Bernardo. Ang family drama naman na “Way Back Home” ang naging movie debut niya. Mula noon ay sinubaybayan na siya ng marami sa kaniyang mga programa sa telebisyon tulad ng “Doble Kara” at “Asintado”.



Ang “Asintado” ang naging huli niyang programa dahil matapos nito ay lumipad na siya patungong Germany upang makasama at maglaan ng oras para sa kaniyang ama. Mayroon din namang mga bali-balita na isinilang niya sa ibang bansa ang anak nila ng aktor na si Coco Martin. Isa lamang si Julia Montes sa maraming mga aktor at aktres na sumusuporta at nagbigay pasasalamat sa ABS-CBN.






error: Content is protected !!